TALAGA naman! Kapag may bagong utos, may bagong suhol rin.
Nakarating na kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, na may police commander na kumita nang halos kalahating milyong piso mula sa lespu na ayaw magpatapon sa Basilan.
Pulis-Maynila daw po ang nanuhol.
Grabe, ang daming pera ng pulis-Maynila na ‘yan!
Kaya naman pala ang mga naunang naipatapon ‘e ‘yung very minor ang violations.
Ang banta ni DG Bato, babaliin daw niya ang leeg ng commander na ‘yan.
Wala talagang kadala-dala ang mga scalawag na ‘yan.
Hindi pa nga lubos na napapanagot ang mga lespu na sakot sa pagpaslang sa isang Korean businessman, ‘e heto na naman ang isa pang eskandalo?!

Sonabagan!
Wala nang buhok si DG Bato, ano pa ba ang gusto ninyong malagas sa kanya dahil sa kunsumisyon?!
Pero gusto po natin makita kung paano papanagutin ni DG Bato ‘yang police commander na ‘yan.
“Mananagot ‘yang commander. Siya mismo ang ipapadala, hindi sa Basilan kundi doon sa Timbuktu. Doon ko ipapadala ‘yang commander na ‘yan, hindi sa Basilan,” ani Dela Rosa.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albyalde, hindi sila papayag na mangyari ang ganyan sa ilalim ng liderato ni DG Dela Rosa sa PNP at siya sa NCRPO.
Nabatid din na ang pulis na nagbigay ng P500,000 ay operator ng illegal gambling.
Umaabot sa 300 pulis na nahaharap sa criminal and administrative charges ang ipinatatapon sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi sa utos ni Pangulong Duterte habag tuloy ang internal cleansing sa PNP.
Pero sa 300 pulis, 53 lamang ang naipadala sa nasabing assignment…
Saan napunta ang 247 pulis?
Alam na kaya ni DG Bato kung saan napunta ‘yang 247 pulis na ‘yan?!
Pakisagot na lang po!
EDAD NG SENIOR CITIZEN
IPINATATAAS NI SENATOR
RISA HONTIVEROS?

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com