Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pia Wurtzbach check your facts also papang si Marlon may naanakang model (Resbak ng inyong kolumnista)

ANG lakas naman ng loob ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na kuwestiyonin ang kredibilidad ng showbiz writers na nagsulat tungkol sa nobyo niyang car racer na si Marlon Stockinger, sa pagkakaroon nito ng kambal na anak sa isang modelo na kanyang nakarelasyon noon.

“Check your facts,” birada pa ni Pia sa mga nag-exposed ng pagiging daddy na ni Marlon. E, kabilang ang inyong Hataw columnist sa mga unang nagsiwalat nito.

Since day one ay never pa kaming nakor-yente sa mga showbiz news item na aming inilalabas dito sa Vonggang Chika column na apat na beses isang linggo ninyong nababasa dito sa Hataw.

Kaya resbak namin kay Ms. Pia ay check your facts also at mag-imbestiga bago ka magtaray sa press. Saka problema ba Pia, kung may twin kids si Marlon? Kung mahal mo siya at nagmamahalan kayo ay walang masama lalo’t hindi naman pinakasalan ng hunky bf mo ang ex niyang minsan na raw nag-pose sa FHM.

Hashtag#CheckMarlonSPersonalBackground BeforeYouReact Gyud!

JULIA MONTES NAG-LEVEL UP NA
ANG RELASYON KAY COCO MARTIN
Daytime Drama Queen Kapamilya pa rin

Last Thursday, nag-renew ng kanyang exclusive contract sa ABS-CBN ang Dreamscape baby na si Julia Montes.

At first project ng magandang young actress after ng top-rating niyang Doble Kara ang Wansapanataym na produced rin ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN at sabi ay posibleng mag-guest rin si Julia sa no.1 action-drama series na pinagbibidahan ng nali-link sa kanyang si Coco Martin.

At kung siya (Julia) ang tatanungin ay gusto niyang mag-guest rito pero hindi naman daw sa kanya manggagaling ‘yun (offer).

“Hindi naman po sa akin manggagaling ‘yun, pero kung tatanungin po ako, gusto ko naman siyempre, ang ganda-ganda ng soap and talagang inspiring ‘yung show.”

“So ang sarap lang maging part din ng show na ‘yun, let’s see hindi naman po natin alam at hindi rin naman sa akin manggagaling ang de-sisyon,” ani Julia.

At if ever na mapasok nga siya sa Ang Pro-binsyano mas type raw ng actress na i-try ‘yung action kasi nagawa na nila ni Coco na magdrama sa mga proyekto nila noon.

“Siguro gusto ko maiba, ang hirap lang ma-ging specific pero kung kailangan ng physically ano… parang game ako ro’n, mas gusto ko umaksiyon, action-filled ‘yung mga gagawin, kasi ‘yung drama,  parang medyo nagawa na po natin, so gusto ko naman ‘yung iba,” sey ng actress.

Nang tanungin naman ni Marie Lozano (showbiz correspondent ng TV Patrol) kung nasaang level na ang relasyon nila ni Coco?

Sagot ni Julia parang tulad daw ng friendship nila ni Kathryn Bernardo na kahit hindi nagkikita ay malalim pa rin ‘yung friendship, so mas nagi-ging close pa raw lalo sila ngayon ni Cardo (Coco). Pinag-comment rin si Julia kung ano ang masasabi niya sa tambalan nina Coco at Yassi Pressman na mayroon ding chemistry?

“Super-okay naman sila saka nakakikilig talaga,” maikling komento ng dalaga na masaya at nanatiling Kapamilya talent.

AUDRINA (NIKKI) MAY MASAMANG
BALAK NA NAMAN KAY GOLDIE (LOISA)
SA WANSAPANATAYM
PRESENTS: MY HAIR LADY

Unti-unti nang dinadapurak ng bad karma si Audrina (Nikki Valdez) sa mga kawalanghiyaan niya at lantarang panggagamit kay Goldie (Loisa Andalio).

Sa episode kasi ng “My Hair Lady” sa Wansapantaym na napanood noong March 5 (Sunday) ay financially down na si Audrina at pinoproblema niya ang pangigipit ng lalaking pinsan ng mister na si Edgar (Polo Ravales). Hini-hingian siya nang malaking salapi dahil siya ang siyang may hawak ng lihim na si Audrina ang nagpa-kidnap sa anak ng bes na si Christy (Matet de Leon) na si Goldie.

Binigyan sila nito ng palugit na isang linggo kung hindi ay ibubulgar niya kay Christy at sa husband na si Marcus (Bobby Andrews) ang itinatagong lihim na puwedeng makasuhan si Audrina. Hindi pa rin natatakot si Audrina, tuloy  pa  rin  ang paghahasik niya ng kasamaan at pang-aabuso kay Goldie at plano niyang balatan ang dalaga at ikabit sa ulo niya ang mga buhok nito para once na gusto niyang magkaroon ng ginto ay hindi na niyang kailangang kumuha pa kay Goldie. Pero nadinig siya nito kaya’t humingi agad ng tulong si Goldie sa bodyguard na si Ruben (Jameson Blake) na special sa kanyang puso at to the rescue naman agad ang binata para tulungan siya sa mga magulang na gusto siyang saktan.

Kayanin kaya ni Ruben si Edgar at ano ang gagawin ng makapangyarihang buhok ni Goldie? ‘Yan ang dapat ninyong abangan at pakatutukan sa pagpapatuloy ng My Hair Lady ngayong Linggo pagkatapos ng Your Face Sounds Familiar Kids sa Dos.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …