KAPAG high-risk person ba, talagang walang goverment identification cards (IDs)?!
Kapag whistle-blower ba parang CIA agent-movie na kailangan walang identity cards at tanging credit card lang ang dala?!
Kapag kandidatong appointee sa government post, dapat matapang at nambu-bully?!
‘Yan po ang running joke ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang makapigil hiningang ‘pagwawala’ raw ni Madam Sandra Cam nang hanapan siya ng ID at pagbayarin sa NAIA VIP lounge.
Anyway, nabasa lang natin ito sa diyaryo at naikuwento rin ng ilang kaibigan natin sa NAIA, pero hindi natin akalain na ganito pala kagrabe ang nangyari.
Wala pa rin pong sagot sa insidenteng ito si Madam Sandra.
Nanghilakbot naman tayo roon.
‘E hindi pa nga naia-appoint ni Tatay Digong, ganyan na katindi kung umasta, e paano na kung nai-appoint pa?!
Ang matindi, bitbit lagi ni Madam Sandra, ang pangalan ni Special Assistant to the President Bong Go.
Medyo nagtataka rin tayo rito kay SAP Bong, kasi kapag nagkakaroon ng mga ganyang insidente, parang laging pangalan niya ang nakakaladkad.

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com