Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bye, bye Yasay

MUKHANG nawalan ng saysay ang pagharap ni outgoing Foreign Affair Secretary Perfecto “Jun” Yasay sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) dahil tuluyang ibinasura ang kompirmasyon sa kanya.

Inakala kasi ng CA na perpekto si Yasay, ‘yun pala napaka-imperfect niya dahil hindi man lang niya masagot nang oo o hindi kung siya nga ba ay American citizen.

Ang sabi ni Yasay, tinanggihan daw niya ang inialok na citizenship ng United States of America (USA) at matibay na ebidensiya umano ang kanyang pagliham sa US Embassy.

Kaya lang, nairita ang mga miyembro ng Komisyon kasi nga halatang nagsisinungaling kanyang tunay na nasyonalidad.

Aba ‘e gigil na gigil sina Rep. Edcel Lagman, Rep. Edgar Erice, dahil sa pagsisinungaling ni Yasay.

Mismong si Yasay ay umamin na mayroon siyang passport ni Uncle Sam pero isinoli raw niya.

031017 yasay

At ang pinaka-second prize rito, ‘yung magsalita siya on national TV  na siya raw ay Filipino, hindi nga lang legal, ngunit Filipino sa isip, salita at sa gawa.

Hahaha!

Hindi ka panot Sir! Huwag kang magpatawa!

In short, naging huwad ang pagka-Filipino ni Yasay lalo na nang hindi niya balikan ang kanyang pagkamamamayan.

Naging US of A citizen si Yasay noong 1986, at tinalikuran niya ito noong 1993 ngunit bigong mag-apply ng Philippine citizenship.

Ang tawag diyan, diskarteng segurista.

Kung hindi man mag-prosper ang career niya rito sa bansa, maaari niyang i-reapply ang kanyang US citizenship…then goodbye Philippines!

‘Yun lang, bistado ng CA ang ganyang seguristang diskarte kaya bye, bye Yasay…

Better luck next time!

HAVE A HEART DBM
SECRETARY
BENJAMIN DIOKNO!

111716-diokno-dbm

NOONG nakaraang linggo ay isang matinding pasabog ang pinakawalan ni Department of Budget Management Secretary Benjamin ‘joke-no’ ‘este Diokno matapos niyang ihayag na wala na raw pag-asa ang inaasam ng mga taga-Bureau of Immigration (BI) na gamitin ang Express Lane Fund para sa pagbabayad ng overtime pay ng mga organic and non-organic employees.

OMG!!!

Naloko na!

Ayon sa kalihim, matapos daw i-veto ni Presidente Duterte ang provision na naglalayong ilagak ang lahat ng ELF collections para sa General Fund ay malabo pa sa patak ng ulan na mairekonsidera ito?!

Paktay kang bata ka!

Pero bilang pakonsuwelo de bobo ‘este areglo, nangako naman si Joker ‘este si Diokno na may nakalaang budget para sa pagbabayad ng overtime pay nang lahat.

Kailangan lang daw mag-request at mag-submit ang ahensiya ng tamang “figures” para sa halaga ng mga babayarang OT.

Tila hindi nakakuha ng tamang kakampi ang Bureau kay Sec. Joke-no ‘este Diokno.

Kaya naman pala hindi nakapagtataka na kahit noong una pa ay patawing-tawing lang ang DBM sa mga hinaing or request ng BI sa kanila!

Ang masakit pa rito, puro “OPM” or Oh Promise Me lang ang natatanggap nilang sagot, sa kabila ng sandamakmak na pangako na inihayag ng DBM na tutulungan sila.

Sabagay, ano nga naman ang magaganansiya ng DBM samantala kung sila nga ay hindi nakatatanggap nang ganoon kalaking OT?

May inggit factor, gano’n?!

Dapat siguro ma-realize na rin ng mga opisyal ng kagawaran na isantabi muna ang pagpupumilit sa pagkuha ng ELF at mag-isip muna ng ibang alternatibo!

Mag-aapat na buwan nang nabibinbin ang pagbabayad ng OT sa kabila ng pagpasok ng mga empleyado nang mahigit 9 oras kada araw.

Hindi birong sakripisyo ‘yan!

At para naman po sa mga taga-DBM especially kay Secretary Ben joke-no ‘este Diokno, huwag naman po sanang gawing ‘joke’ ang pagtulong sa mga taga-BI.

Alam na alam ni Sikwatary ‘este Secretary Diokno ‘yan dahil noong Erap administration ay siya rin ang kalihim ng DBM!

Nobenta por siyento po sa mga empleyadong ‘yan ay sumuporta sa kandidatura ni Pangulong Duterte noong nakaraang eleksiyon!

Ang kinukuha naman po nila ay galing sa porsiyento ng ibinayad ng mga kliyente ng Bureau at matagal na pinag-aralan ng namayapang si Senadora Miriam Defensor noong siya ay commissioner pa lang bago ito inaprubahan.

Tinga lang po ‘yan kung tutuusin!

Mukha lang malaki kasi nga malaki na ang ipinagbago ng bilang ng mga tao sa Filipinas simula pa noong inumpisahan ‘yan.

Hindi po galing sa kaban ng bayan ‘yan!

Ang lahat po ay umaasa ng pagsulong kapalit ng kanilang 24/7 serbisyo publiko kaya sana naman po, ito ay inyong makita.

Sa ngayon po ang lahat ay takot sa ganyang klase ng press release!

In short, ayaw nila ng Joke! Joke!

Agree ka ba riyan pareng Dwarfy?!

PO1 TONGWONG NAPALUSUTAN
SI C/PNP GEN. BATO DELA ROSA

KA JERRY, ‘yan si Kotong cop PO1 Tongwong biglang nagpa-confine sa isang private hospital para ‘di siya ma-AWOL sa duty kaya hndi  napasama sa itinapon ni PNP Chief sa Basilan. May ginamit na padrino sa city hall ‘yan. Marami kaming vendor ang biktima niyan sa kotong. Hinihiling namin kay PNP Chief Dela Rosa na siyasatin mabuti ang kalagayan ni PO1 Kolektong dahil patuloy pa rin na nangongotong sa amin.

+63906718 – – – –

HUWAG NA RAW
MAG-ENGLISH
SI SEN. PACQUIAO

SIR JERRY, ok sana performance ni Sen. Pacquiao sa senado pero sana huwag na siyang mag-English. Masakit sa tenga at hndi maintindihan. Puwede nman cya mag-Tagalog mas maiintindihan pa cya at hndi pingtatawanan. Gayahin niya si dating Senador Amang Rodriguez. – Concerned Citizen lang po.

+639155150 – – – –

MALUPIT ANG MANDALUYONG
TASK FORCE ANTI-VENDOR

GOOD day po Sir. Ang mga Task Force Anti-Vendor po ng Mandaluyong ay mga arogante kapag d po sila makahuli ng vendors galit na galit sila. Kapag naitago ng vendors ang paninda nila halos lumuwa ang mga mata nila sa kaduduro sa mga vendor. Kasi naman po pag nahuli kanya-kanya na sila ng dikwat sa mga paninda lalo na ang mga mamahalin kaya pagdating sa pagtubos ng vendors halos wala na silang matutubos. Kaya ‘di na lang tinutubos, P500 kasi ang tubos.

+63912172 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *