Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Garapal na raket ng MTPB sa Binondo kaninong bulsa napupunta!? (Motorista mag-ingat!)

KUNG kapal din lang ng mukha ang pag-uusapan, palagay natin ‘e numero uno ang mga nagsasabing miyembro sila ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nakatalaga riyan sa Binondo, Maynila.

Dahil alam nilang nagmamadali ang mga motorista na naghahanap ng parking space or parking area sa maliliit na kalsada ng Chinatown, madali silang nabibiktima ng mga kagawad ng MTPB.

Araw-araw hindi lang libo-libo kundi maaaring milyones na motorista ang nabibiktima ng matutulis at garapal na kagawad ng MTPB

Ganito ang raket, gaya ng karanasan ng isang motorista nitong 27 Pebrero…

Nakaabang na ang mga kagawad ng MTPB sa bawat area, hawak na nila ang tiket. Sesenyasan ang motorista kung saan paparada.

Dakong 9:01 am nitong 27 Pebrero, ipinarada ng isang motorista ang kanyang maliit na sasakyan malapit sa simbahan ng San Lorenzo Ruiz sa Ongpin St., na agad inisyuhan ng tiket ng babaeng MTPB enfor-cer na nakatalaga sa nasabing area.

Siningil ng MTPB ang motorista ng P50 para sa unang tatlong oras, saka iniabot ang tiket na isinulat ang plate number, petsa at oras, at ang halagang P50.

Dahil likas na metikuluso, binasa ng motorista ang maliliit na letra sa likod ng tiket, at doon niya natuklasan na ang bayad pala para sa maliliit na sasakyan gaya ng kotse, jeep, tricycle, pedicab at motorsiklo ay P20 lang sa unang tatlong oras at madagdagan ng P15 sa susunod na kada oras.

Inabot siya ng dalawang oras sa paghimpil o pansamantalang paggarahe.

Nang paalis na siya sa lugar, nakita niya ‘yung babaeng MTPB enforcer, at binanggit niya ng napansin at nabasa niya sa tiket. Nagulat ang motorista nang biglang ibalik ng MTPB enforcer ang P20 at tinangkang agawin ang tiket na kanyang inisyu.

090916-manila-city-hall-mtpb

Pero hindi ibinalik ng motorista ang tiket dahil binayaran na niya ito. Agad na tumalilis ang MTPB enforcer nang hindi niya mabawi ang tiket.

Nang magawi ang motorista sa kanto ng T. Alonzo at Ongpin streets, at nang makakita siya ng isa pang MTPB enforcer, tinanong niya kung magkano ang bayad.

Ganoon din ang sinabi sa kanya ng MTPB enforcer, P50 sa unang tatlong oras, gaya nang sinabi ng babaeng MTPB enforcer at hindi kagaya sa nakasulat sa likod ng tiket.

Ang nasabing tiket ay may nakalagay na logo ng MTPB na nakasulat ang ‘Parking Spaces With Pay Project’ alinsunod sa Ordinance No. 7812 na sinusugan ng Ordinance 7988.

Nakasaad din sa tiket na ang medium vehicles gaya ng van at delivery trucks ay magbabayad ng P30 para sa unang tatlong oras at P20 sa mga susunod na kada oras.

Ang mga bus, ten-wheeler trucks at heavy equipment trucks ay pinagbabayad ng P60 para sa tatlong oras at P40 sa mga susunod kada oras.

Base sa karanasan ng motorista, lumalabas na mayroong ekstra ‘tongpats’ kahit nakaimprenta sa tiket ang tamang halaga.

Ang tanong: Kanino napupunta ang ipinapatong na sobrang halaga ng MTPB enforcers?

Hindi birong halaga ng kuwarta ito.

Sa 5,000 maliliit na sasakyan lamang, makakokolekta ang MTPB ng halagang P250,000, sa unang talong oras.

E alam naman nating hindi lang 5,000 sasakyan ang nagpupunta sa Chinatown araw-araw.

At bawat sasakyan na pumaparada ay hindi naman nakokonsumo ‘yung tatlong oras, matagal na ‘yung dalawang oras.

Kaya ibig sabihin mayroon na naman silang kapalit na bagong paparadang sasakyan.

E iba-iba ang presyo, depende sa uri ng sasakyan.

Kung lumampas man sa tatlong oras, panibagong bayad ‘yun.

Ibig sabihin, hindi lang P1 milyon ang nakokolekta ng MTPB sa loob ng isang araw, diyan lang sa Binondo area.

Uulitin lang natin ang tanong, kanino napupunta ‘yung labis na P20 sa sinisingil na P50 ng MTPB enforcers?!

Alam kaya ni MTPB chief Dennis Alcoreza kung saan napupunta?!

O baka naman puro bukol na ang ulo ni Alcoreza.

MTPB chief, pakikapa lang nga ang ulo ninyo?!

O hindi naman kaya si Mayor Erap ang nabubukulan?!

Pakitanong na nga rin kay Ma’m Laarni and Ma’m Jerika?!

Please…

ORANGE ROAD BARRIER
SA COMMONWEALTH AT QUEZON AVE
HINDI NA MAKITA
SA SOBRANG DUNGIS

030717 ORANGE ROAD BARRIER

Tinatawagan natin ang pansin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)!

Paki-check ninyo ang mga orange road barrier na nasa kahabaan ng Commonwealth Avenue at Quezon Ave.

Napakadungis!

Ang dumi-dumi! Kaya hindi na nakikita ng mga motorista sa gabi.

Hindi na tayo nagtataka kung bakit mara-ming disgrasya ang nangyayari riyan sa Commonwealth at Quezon Avenue.

Paging MMDA Chairman Tim Orbos!

IACAT REGION 6 DEDMA SA ILLEGAL
CHINESE WORKERS SA AKLAN!?
(ATTENTION: SoJ VITALIANO AGUIRRE)

030717 Aguirre IACAT aklan

Bakit tila raw tikom ang bibig ng members ng IACAT diyan sa Region 6 partikular sa probinsiya ng Aklan tungkol sa sandamakmak na illegal Chinese workers ng isang ginagawang dam sa bayan ng Madalag!?

Balita natin puro dispalinghado ang papeles ng mga tsekwang nagtatrabaho riyan?!

Hindi ba nga at super aktibo ang IACAT diyan lalo na ‘yung isang Fixcal ‘este’ Fiscal Gonzales na mahilig sumawsaw sa mga operation ng PNP at NBI?

Matagal na raw alam nina Fiscal ang mga aktibidad na gaya nito, riyan sa ginagawang dam pero hanggang ngayon ay wala pa rin ginagawang aksiyon para itam ‘yan?

Magkano ‘este anong dahilan!?

Hindi kaya nabahag ang buntot nila dahil balita natin ay protektado ng mga matataas na tao ang Chinese workers?

Kaya naman pala hindi nakapagtataka kung bakit pag maliitang trabaho gaya ng sinasabi nilang entrapment kuno sa Kalibo airport ay mabilis pa sa alas kuwatro na sumusugod ang mga kupalyero ‘este kabalyero!?

Dahil ba mas madaling magkaroon ng pogi points pag ang involve ay mga dayo o di kaya naman ay mga pipitsuging trabaho?!

Pang-small time lang pala ang kaya nitong mga kolokoy!?

O ngayong alam nang lahat na may misteryo pala sa ginagawang dam diyan sa bayan ng Madalag, Aklan, patuloy pa rin bang itatago nina Fiscal Gonzales ang impormasyon na ‘yan kay SOJ Vitaliano Aguirre?

Dapat makarating kay SOJ Vitaliano Aguirre ang issue na ito at baka sakaling maaksiyonan agad!

Para naman sa mga taga-IACAT at kay Fiscal Gonzales, iniiwasan ba ninyong pasadahan ang illegal Chinese workers sa infrastructure project na ‘yan!?

Haleeer!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *