Monday , December 23 2024

Sylvia sa pagkawala ni Angge — Nawalan ako ng isang nanay, may bahagi ng puso ko ang nawala

ISANG araw lang ang nakalipas matapos tanggapin ni Sylvia Sanchez ang Best Actress trophy mula GEMS o Guild of Educators, Mentors and Students ngLaguna Bel Air Science School sa Sta, Rosa Laguna na sobrang saya niya ay heto, kalungkutan naman ang nararamdaman niya ngayon sa pagkamatay ng talent manager niyang si Tita Angge o Cornelia Lee.

“Ang saya-saya ko nitong past few days kasi trending ang ‘The Greatest Love’, ang ganda ng ratings, pati mga show na kasama mga anak ko (Arjo Aayde sa ‘Ang Probinsyano’) at (Ria Atayde ng ‘My Dear Heart’) ang tataas ng ratings, tapos noong isang araw (Miyerkoles), nakatanggap kami ako ng Best Actress award, pati na si Arjo, Best Actor, tapos heto namatay na si Tita Angge?” pahayag ng aktres sa amin kahapon habang naka-break sa taping ng The Greatest Love.

Isa pang dahilan kaya masaya si Ibyang ay dahil nagdiwang ng kaarawan ng nanay niyang si Gng. Rosyline Campo ng 71stbirthday noong Marso 3 na kasalukuyang nasa Mindanao.

“March 3 birthday ng nanay ko, inaasikaso ko ‘yung resort na pupuntahan nila noong March 2 kasi gustong magpa-party ng nanay ko, ibinigay ko lahat ng gusto niya, lahat ng apo at mga kapatid ko nandoon sa Mindanao.

“Tapos March 2, kausap ko naman si Imelda (anak ni tita A) para sa mga kakailanganin ni tita A. Namatay si tita A March 2, birthday naman ng nanay ko ngayon (March 3).

“Ang saya-saya ko kasi birthday ng nanay ko, 71st birthday niya, tapos kalahati ng puso ko malungkot kasi namatay ang isa ko pang nanay for 23 years, ang tindi ng timing?” malungkot na sabi ng aktres.

Isang taong comatose ang kilalang talent manager at talent coordinator ng ABS-CBN si Tita Angge kaya marami ang nalungkot nang tuluyan na siyang namahinga noong Huwebes ng gabi sa bahay nila sa Town and Country Subdivision Antipolo, Rizal, 9:20 p.m. ayon sa anak niyang si Imelda Lee.

Marso 5 noong nakaraang taon nang makaramdam ng chest pain si Tita A sa loob ng Greenhills Theater habang nanonood ng pelikulang London Has Fallen kasama ang pamangkin at sekretarya.

Saktong nasa Greenhills din noon si Sylvia para sa isang meeting kaya kaagad nilang naitakbo si Tita A sa Cardinal Santos Hospital na malapit din sa venue, pero dead on arrival na raw at ini-revive at bumalik ang pulso pagkalipas ng 15 minutes pero tinapat na ang pamilya na critical na ang kalagayan.

Sabi ni Ibyang,  “nawalan ako ng isang nanay, may bahagi ng puso ko ang nawala. Ayoko siyang makitang (tulog), pero ayoko siyang bitawan hanggang sa huli. Pero nile-let go na siya kasi sobrang pagod na at hirap na siya.

“Nanay ko iyon na tagapagtanggol ko sa kaaway ko at taga-mura ko sa mga umaapi sa akin, sa bashers ko, ngayon wala ng magmumura para sa akin.

“Pati asawa ko (Art Atayde), wala na ring tagapagtanggol, mas mahal nga ni Tita A asawa ko, lagi silang nagbu-bully-han.

“Birthday ng asawa ko sa March 11, sinabihan niya si Tita A rati na ‘wag siyang mamamatay sa birthday niya kasi habang buhay ni Art dadalhin iyon. Kamuntikan last year ‘di ba, March 5 inatake si Tita A. Tapos ngayon, March 2 siya namatay, muntik din.”

Hindi maka-arte si Sylvia noong gabing nalaman niyang namatay na si Tita A.

“Noong nalaman ko, hindi ako maka-arte, hirap na hirap ako sa eksena namin ni Nonie (Buencamino), gustong-gusto kong tumakbo papunta kay Tita A, pero hindi ko magawa kasi wala kaming ie-ere. Lahat ng kinukunan namin sa ‘TGL’, for airing, kaya hindi puwedeng wala ako.

“Naintindihan naman ng production ang nararamdaman ko that time, kaya pinabayaan muna nila ako tapos take na ulit.

“Pagkatapos ng taping, diretso na ako sa Loyola, sa harapan ko ini-embalsamo si Tita A, gusto ko siyang yakapin, halikan, pero hindi puwede kasi may formalin. Hindi pa rin ako makaiyak, Reggee. Ang sakit sa puso ko na nawalan ako ng ikalawang ina na nag-alaga sa akin.

“Gustong-gusto kong nasa tabi lang niya sa bawat segundo hanggang sa huling sandali niya, pero hindi puwede, may trabaho ako, wala na si Tita A, Reggee,”kuwento sa amin.

Bale ba, plano pa naman sana ng aktres na sorpresahin ang nanay niya ngayong araw, ”lilipad sana ako ng Mindanao kasama mga anak ko, surprise sana kasi nga wala ako sa party niya kahapon (Biyernes), eh, paano ako lilipad, patay si Tita Angge? Buhay naman si mama ko.

“Mas kailangan ako rito kasi kami ni Imelda ang nagtatawagan ng mga kailangan ng mama niya. Maiintindihan naman siguro ng mama (Rosyline) ko na hindi ko siya madadalaw.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *