Sunday , December 22 2024

Simbahan ‘di dapat alipustahin sa mga klerikong naligaw ng landas

MARAMING kakulangan at problema sa asal ng ilan sa mga obispo at pari ng simbahang Romano Katoliko sa Filipinas subalit hindi tama na tingnan ito bilang bahagi ng katuruan ng simbahan at lalong hindi tama na hamakin lahat ng kleriko dahil sa pagkakasala ng ilan sa kanilang mga kasamahan.

Sa ngayon ay kabi-kabila ang banat ng Pangulong Rodrigo Duterte at mga amuyong nito sa mga obispo at pari ng simbahan, lalo na kung pinupuna nila ang malaganap na paglabag ng administrasyon sa karapatan ng tao na mabuhay.

Tama na maraming abusado, tiwali, walanghiya at mapagsamantalang mga kleriko. Tama na dapat silang ilantad at pagbayarin sa kanilang mga ginawa na taliwas sa pagtatayo ng Kaharian ng Diyos dito sa lupa. Pero dapat din na maging malinaw na hindi lahat ng kleriko ay masama.

Huwag nating kalilimutan na ang simbahan ay bayan ng Diyos at ang pagkakaligaw ng landas ng ilang kleriko ay hindi nag-aalis sa karapatan ng simbahan na magsalita laban sa kasamaan sa ating lipunan.

Hindi ito dahilan para hindi kumibo ang bayan ng Diyos sa gitna ng malawakang patayan na nagaganap.

Tanging ang mga bulaan at nabubulagan lamang ang hihiling ng pagtahimik sa gitna ng kawalang katarungan sa ating lipunan.

Dapat din malaman na may mga hakbang ang pamunuan ng simbahan sa pangunguna ni Papa Francisco na iwasto ang mga kamalian ng mga alibughang kleriko. Bukod sa kilos ng kasalukuyang papa ay hindi rin dapat malimutan na hindi pa tapos, dahil hindi pa lubusang naipatutupad o nauunawaan, ang mensahe ng rebolusyonaryong pagbabago na hatid ng ikalawang konseho ng Vaticano (Second Vatican Council).

Mabagal nga ang usad ng pagbabago sa loob ng simbahan pero ganoon talaga ang magiging siste kung ang institusyon ay 2,000 taon na. Maraming tradisyon at punto de vista na ang pumaloob sa simbahan kaya hindi karakaraka ang pagbabago. Ang mahalaga ay papunta sa pagbabago ang bayan ng Diyos.

Kaya siguro, dapat nating unawain ang proseso na nagaganap sa loob ng simbahan bago natin ito batuhin ng malisyosong puna.

* * *

Nakikiramay ang Usaping Bayan sa pamilya Abanto ng Magdalena, Laguna dahil sa pagyao ng ama ng kanilang pamilya na si Dodeng Abanto. Ang labi ni Ginoong Abanto ay nakalagak ngayon sa kanilang tahanan sa Bo. Buenavista.

* * *

Nagtangkang magpakamatay ang isang turistang Intsik matapos hindi pasakayin sa eroplano sa NAIA. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresortpara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *