Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Doktor na pinatay bigyan ng katarungan! (Boluntaryo sa mga baryo)

NAKIRAMAY at kinondena ng Department of Health (DOH) ang pagpaslang sa isang kabataang doktor na si Dr. Dreyfuss Perlas, isang volunteer doctor sa programa nilang Doctors’ to the Barrios.

Si Perlas ay binaril sa likod ng hindi nakilalang salarin habang nakasakay sa kanyang motorsiklo pauwi sa kanyang boarding house sa bayan ng Lala sa Lanao del Norte.

The end…

Ganoon lang kasimple, parang isang pelikula na natapos ang buhay ng isang kabataang doktor na punong-puno ng pag-asa at boluntaryong nag-alay ng kanyang buhay at serbisyo sa mga liblib na baryo sa malalayong lalawigan para sa ating maliliit at dahop na mga kababayan.

Pagkatapos ng ‘pelikula’ ng kanyang buhay nagsalita lang ang DOH na nakapanghihinayang ang buhay ng pinaslang na doktor na mas piniling maglingkod sa mahihirap na kababayan sa mga nagdarahop na komunidad sa malalayong probinsiya.

‘Yun lang.

In English, sasabihin lang nila, “Dr. Dreyfuss was great. May he rest in peace.”

Pasintabi po…

Talagang magre-rest in peace na po siya, pero ang sugat, hinanakit, pagkadesmaya, pait at kawalan ng katarungan ay palaging magsusumiksik sa isip ng kanyang mga naulila — naulilang pamilya at naulilang komunidad.

030517 Dreyfuss Perlas

‘Yung pamilya na ipinagmamalaki siya dahil mas pinili niyang maglingkod sa bayan at ‘yung komunidad na kahit paano ay nabigyan niya ng pag-asa at nakapagmamalaki sa pagbabalita na, “May doktor na kami…”

Pero dahil pinaslang si Dreyfuss, na hanggang ngayon ay hindi alam kung sino ang may gawa, hindi lang naulila ang kanyang pamilya at ang komunidad, nabawasan po tayo ng isang doktor na may puso sa mahihirap.

Pero ang ipinagtataka natin, bakit tila hindi gumagana ang intelligence unit or group ng Philippine National Police (PNP) o ng National Bureau of Investigation (NBI) para maging madali ang pagtukoy kung sino ang pumaslang kay Dr. Dreyfuss.

Sa ganang atin, mayroong malaking pangangailangan na tukuyin at tugisin ng PNP at iba pang kinauukulang awtoridad ang suspek sa pagpaslang kay Dr. Dreyfuss.

Una, dahil kailangan matukoy kung ano ang motibo sa pamamaslang.

Ikalawa, siyempre, dahil ang pagpatay ay paglabag sa batas, dapat panagutin nang mabilis ang suspek.

Ikatlo, kailangan ipadama ng PNP at iba pang law enforcers group na protektado nila ang mga doktor na buong pusong nag-aalay ng kanilang panahon, oras at karera para sa maliliit nating kababayan.

Ikaapat, kailangan itong gawin ng PNP at iba pang law enforcers group, upang hindi matakot ang mga kabataang doktor na sundan ang yapak ni Dr. Dreyfuss — ang boluntaryong mag-lingkod sa mga kababayan natin na naninirahan sa mga liblib at malalayong probinsiya.

Ikalima, KATARUNGAN para kay Dr. Dreyfuss.

Yes Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial and PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, JUSTICE must be served to Dr. Dreyfuss Perlas!

ROAD RAGE SUSPECT
NAKIKIPAGPATINTERO
SA BORACAY ISLAND

030517 Fredison Atienza eleazar

Matinik bang talaga o may nagkakanlong sa Quezon City rage suspect na si Fredison Atienza na ngayon ay sinabing naglilibot sa buong isla ng Boracay?!

Ayon sa ilang intelligence information umano, hindi pa nakaaalis sa Boracay si Atienza. Ang itinuturong bumaril sa biktimang naka-motor na si Anthony Mendoza.

As usual, isa lang ang sinasabi ng mga awtoridad sa Boracay, may nakakita umano pero nang puntahan nila, wala na raw.

Nakatakda raw bumalik sa Maynila nitong 1 Marso ang suspek na si Atienza, pero hindi umano lumitaw kaya hanggang ngayon ay pinaniniwalaang nasa Boracay pa.

E kung nasa Boracay pa pala, bakit hindi nakikita?!

Sadya bang matinik at matalas ang pang-amoy ni Atienza o mayroong nagkakanlong sa kanya?!

Iyon ang dapat pag-aralan at mapatunayan ng mga nakatalagang awtoridad sa kasong ito ng pagtatago ni Fredison Atienza.

At dapat din maging maingat ang mga naghahanap sa kanya dahil siya ay hi-risk fugitive.

Baka kapag nasukol ‘yan ay bigla na namang mamaril?!

Puwede bang imungkahi kay Director General Ronald “Bato”

Dela Rosa, na i-tokhang na ‘yang road rage suspect na ‘yan?!

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *