Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, itinanghal na Best Actress ng GEMS

FIRST time tumanggap ng Best Performance by an Actress si Sylvia Sanchez para sa napakahirap niyang papel sa The Greatest Love bilang si Mama Gloria na may Alzheimer’s disease.

Puro kasi Best Supporting Actress ang awards na natatanggap ni Ibyang (tawag kay Sylvia) kaya naman tuwang-tuwa siya at nagpasalamat sa GEMS o Guild of Educators, Mentors, and Students ng Laguna Bel-Air Science School sa Sta. Rosa, Laguna.

Mga kilalang personalidad sa telebisyon, radyo, teatro, at pahayagan ang mga nanalo sa unang taon ng GEMS.

Sa limang minuto at 27 seconds thank you speech ni Ibyang ay ikinuwento niya na simula edad 27 ay parating nanay role ang ibinibigay sa kanya sa telebisyon at pelikula at minsan ay lola pa tulad sa Be Careful with my Heart at Ningning.

Ito parati ang tinatanong ni Sylvia sa sarili kung bakit laging nanay ang papel na nakukuha niya.

May plano pala sa kanya ang Diyos kaya parating nanay ang papel niya sa mga project, “dahil sinasanay pala niya akong maging nanay dahil ibibigay pala niya ang ‘The Greatest Love’ na isa akong nanay na maysakit ng Alzheimer,” kuwento ng aktres.

Sabi pa, “noong unang i-offer sa akin ni Ms Ginny (Ocampo-business unit head) ang papel, tinanong ko kung ‘kaya ko ba?’ Kasi mabigat ‘yung role na may Alzheimer’s disease na for 27 years (sa showbiz), puro supporting role lang ang ginagampanan ko, pero noong nabasa ko ang script ay nagustuhan ko at na-in love kaagad ako kay Gloria at hindi po ako nagkamali at ito po ang patunay (sabay taas ng best actress trophy).”

Ang pamilya ni Ibyang ang nagsisilbing inspirasyon niya kaya pinasalamatan niya sila, kasama ang mga taong nagtiwala sa kanya bilang artista lalo na sa GMO unit na naniwala sa kakayahan niya at sa ABS-CBN management.

Hindi rin nakalimutan ni Ibyang na pasalamatan ang mga kaibigan niyang simula nang mag-umpisa siya sa showbiz na hanggang ngayon ay nasa tabi pa rin niya.

Makahulugan ang huling bahagi ng pasalamat ni Ibyang, “sinasabi ko parati sa mga anak ko na sa mga blessing na natatanggap ko ay walang reason para lumaki ang ulo at magbago, pero maraming reason para mas maging mabuting tao.”

At pagbaba ni Ibyang ng entablado ay kaagad siyang nilapitan para batiin ng Mayor ng Sta. Rosa, Laguna na rating aktor na si Dan Fernandez.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …