Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Aanhin ang death penalty kung hindi magiging sagka sa korupsiyon?

MALAPIT na raw maaprubahan ang death penalty sa Kamara.

Sa katunayan nasa final approval na ang pagbuhay sa parusang kamatayan kontra heinous crime pero tinanggal ang plunder at iba pang krimen na puwedeng gawin ng isang politiko o ng mga nakaupo sa puwesto.

Tiniyak ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, sa darating na a-7 Marso isasagawa ang botohan sa third at final reading ng kontrobersiyal na panukala.

Klaro na ang panukala ay nilimitahan na lamang sa mga drug-related cases.

Wattafak!

Para kanino pa ang death penalty?! Para ulit sa mga pobreng kriminal?

Kung isinusulong ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang giyera laban sa ilegal na droga at korupsiyon, bakit tinanggal ang plunder?!

070416 dead prison

Kung sabagay, sino ba namang gunggong na mambabatas na papayag na gumawa sila ng lambat para sila lang din pala ang masisilo?!

Walang mambabatas na hindi pa nasisira ang ulo na gagawa niyan.

Hindi bale nang ‘sira ang reputasyon’ ‘wag lang ang kanilang mga tuktok!

Ang ipinagtataka naman natin sa human rights advocate raw, nakahihiya umano sa buong mundo kung bubuhayin sa ating bansa ang kamatayan.

Hello!

Hanggang ngayon po, may death  penalty pa sa Malaysia, Indonesia at sa Middle East countries.

Kung ang death penalty ay para lamang sa mga pobre, ‘e mas mabuti ngang huwag nang aprubahan ‘yan.

Pero kung isasama ang mga kasong gaya ng ‘pandarambong’ isa po tayo sa susuporta riyan!

‘Yun lang!

Hindi aniya maayos ang justice system sa Filipinas para magkaroon ng death penalty.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …