Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, naiyak habang pinanonood ang sarili sa The Greatest Love

HINDI namin namamalayang tumutulo na pala ang luha namin habang pinanonood ang The Greatest Love noong Martes ng hapon at ang eksenang naabutan namin ay pinaliliguan si Sylvia Sanchez ng anak niyang si Andi Eigenmann bilang si Lizelle.

Hiyang-hiya si Mama Gloria sa nangyari at hindi niya matanggap na pinaliliguan siya ni Lizelle at pagkatapos ay ayaw na niyang lumabas ng kuwarto pero sinundo siya ng mga anak na sina Matt Evans (Andrei), Aaron Villaflor (Paeng), at apong si Joshua Garcia (Z).

Para mapapayag si Mama Gloria na lumabas ng kuwarto ay ibinigay ni Andrei ang hikaw na regalo sa kanya ni Peter (Noni Buencamino) para sa nalalapit nilang kasal na ninakaw noon ni Paeng sa tindi ng galit niya sa magulang.

At nang makita ni mama Gloria ang hikaw ay natuwa agad at isinuot. Natandaan niya na nawala iyon at sinabi kay si Andrei na nasa kanya pala ang hikaw.

Habang nanonood kami ay nag-post si Ibyang ng, “naiiyak ako sa picture na ‘to!! (habang pinaliliguan siya). Naisip ko mama ko, ayaw kong mangyari ‘to sa mama ko, ang sakit. Kaya mama Rosyline Campo dasal tayo lagi ha, ako po unang-unang masasaktan mama kapag nangyari sa’yo ‘to, kaya idadasal kita lagi mahal kong Ina, love you ma. Haaayyyyy Gloria!! Maaayos din ang lahat para s’yo!! Konting tiis na lang.”

Marahil kaya ang lalim ng hugot ni Ibyang bilang si mama Gloria na maysakit ng alzheimer’s ay dahil naalala niya ang mama niya na naninirahan sa Agusan del Norte kasama ang kapatid ng aktres at pamilya nito.

Sinubukan din naman ni nanay Rosyline tumira rito sa Maynila, pero parang mas nagkakasakit siya dahil sa polusyon kaya bumalik ng Mindanao at doon na lang nanirahan.

Nagpatayo si Ibyang ng grocery para may mapaglibangan ang mama niya roon at ipina-renovate rin ang bahay nila at araw-araw niyang kinukumusta ang kalagayan ng ina.  Hindi nga lang niya nadadalaw na masyado dahil araw-araw ang taping niya ng The Greatest Love.

Kaya naman buong pamilya ng aktres ay sobrang mahal siya dahil hindi sila nagdadalawang salita kapag may kailangan sila.

Kaya kung ano ‘yung mga ipino-post ni Sylvia sa kanyang social media na mahal niya ang mga anak at asawa ay kasama rin doon ang magulang at mga kapatid niya.

Anyway, lahat ng paghihirap ni Sylvia ay nagbunga na dahil sunod-sunod na ang natatanggap niyang mga papuri at acting award tulad ng 15th Gawad Tanglaw na nanalo siya bilang Best Actress para sa The Greatest Love at si Coco Martin naman ang Best Actor para sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Best Actress din si Ibyang sa GEMS (The Guild Of Educators, Mentors And Students) at Best Actor naman ang anak niyang si Arjo Atayde bilang si Joaquin Tuazon sa FPJ’s Ang Probinsyano.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …