P1.5-B runway iconic bridge sa NAIA terminal 3 mapapakinabangan ba talaga?!
Jerry Yap
March 2, 2017
Bulabugin
Mantakin ninyo, mayroon palang tulay na nagkokonekta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 at sa Resorts World Manila?!
Noon pa ito, noong panahon ni dating Manila International Airport Authority general manager Bodet ‘Tado ‘este’ Honrado.
Pero ang tanong natin, sino ba talaga ang makikinabang diyan!?
Kamakailan, ininspeksiyon pa nina Transportation Secretaries Arthur Tugade, and Department of Public Works and Highway Secretary Mark Villar kasama si Kingson Sian, President/CEO ng Travel International Hotel Group, at si project manager Engr. Ricky Labado ang P1.5-B runway iconic air-conditioned bridge na nagdurugtong sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 at iba pang Hotel at Casino.
Ang mahal pala niyan?!
Alam ba ninyong ang nasabing runway iconic bridge ay kayang tumanggap ng 216,000 passers-by sa bawat araw. Air-conditioned ang nasabing tulay at PWD-friendly ang pasilidad.
Umaabot sa 18 meter ang taas at halos dalawang kilometro ang haba ng tulay na tumatawid sa kahabaan ng Andrews Avenue. Inaasahan na matatapos ito bago ang ASEAN meet sa Abril 2017.
Magkanong ‘este anong dahilan ni tarantadong ‘este Honrado kung bakit itinayo ang tulay na ‘yan?
Para ba ‘yan sa mga taong sasalubong sa kanilang kamag-anak na magsa-shopping at maglalaro muna sa Resorts World Casino?
Mas makikinabang ba ang Resorts World sa tulay na ‘yan?!
Ang press release ‘kuno,’ ang Runway Iconic Bridge ay malaking kontribusyon sa ikagaganda ng turismo, ikabibilis ng pagtungo sa hotel at pagtungo sa airport ng mga turista na LIBRE at walang bayad o toll fee.
Pak! Ganern!?
GUSTO ANG BANAT
SA MGA TIWALING PULIS
BOSS Jerry, ituloy n’yo lang po ang maganda at nararapat na banat ninyo para mabulabog ang aming mga kabaro na aktibong lespu na nagpayaman lamang gamit ang aming uniporme. Ingat at mabuhay po tayo boss Jerry.
— Email from Concerned MPD pulis bulabog boy.MpdIn—Boy@yahoo.com
TAWID-LUPA ANG MGA MANDO
AT OSDO SA MALATE AT ERMITA!
(ATTN: MPD PS5 AT PS9 BAGMAN!)
SIR Jerry, reklamo ko lang po ang mga MANDO-rukot at OSDO na palakad-lakad sa Ermita at Malate area, tawid-lupa ang mga loko-loko Sir na wala nang pinipiling biktimahin. Nakatambay lang malapit sa isang mall sa Ermita habang umii-spot ng biktimang dudukutan sabay sakay ng dyip. Sa Harrison naman iistambay at maglalakad-lakad, paulit-ulit lang ang kanilang modus na matagal na ho namamayagpag at hindi masawata ng awtoridad. Totoo po kaya ang sabi-sabi na baka alaga ng ilang antigong lespu ang ilan sa mga tirador na ‘yan?
+63916971 – – – –
REKLAMO SA GALLANG
SECURITY AGENCY
Gud pm sir,baka pwede po kami tulungan tungkol sa aming agency gallang security. hanggang ngayon po hindi pa nla binibigay ang aming dagdag sahod 10p sir. saka sss at pagibig namin walang hulog. pag di mo asikaso hindi nila hulugan sir.pakibulabog naman sir. more power 2 u en god bles u sir.
+63999570- – – –
REAKSYON
KAY JIM PAREDES
Nakakahiya yan c jim paredes, parang idadamay nya ang mga kabataan sa matanda nyang pananaw sa demokrasya.
+63915882- – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap