Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, na-miss kaeksena si Coco

NABITIN ang mga tagasubaybay ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Lunes dahil hindi nagkita ng mata sa mata sina Cardo Dalisay (Coco Martin) at Joaquin Tuazon (Arjo Atayde) pero makapigil eksena pa rin ito dahil sa matitinding palitan nila ng putok.

Umarangkada sa ratings ang FPJAP dahil nagkamit ito ng 42.8% kompara sa katapat nitong Encantadia na nakakuha lang ng 25.8%.

Mas lalo pang nag-abang ang netizens sa aksiyonserye nina Coco dahil sa post ni Arjo na, “sa totoo lang namiss kita kaeksena bro. Masaya akong nakabonding uli kita. Bye-bye Joaquin na nga ba? Alamin mamaya sa #FPJAPBanggaan.”

Samantala, pagkatapos kunan ang eksenang naghahabulan ang grupo nina Cardo at Joaquin sakay ng kani-kanilang speedboat na kinunan sa Nayomi Resort sa Batangas ay idiniretso nila ito sa bonding moment.

Magkakasama ang Ang Probinsyano boys na naligo sa resort, ayon kay Arjo, “one of the best days of my life. @nayomiresort @dynamiteaquasports at definitely not a fake laugh,” habang nakalubog sila sa tubig.

May post din si Arjo kasama ang direktor nilang si Avel Sumpongco, “isa ka sa mga pinakamabait na taong nakilala ko direk, napakasarap mong kasama, at salamat sa pagalaga. Love you Direk Avel! Cheers more adventures for us! #TeamPromdi for life. enjoy your day!”

Anyway, ayaw pa ng netizens na matapos ang Ang Probinsyano, ma-extend kaya ulit ito?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …