Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Prosesong mabilis kontra korupsiyon ng Hong Kong kalian kaya mangyayari sa PH?!

“THEY have to carry out their duties ‘whiter than white.’ Otherwise they may have to face serious criminal consequences.”

Naniniwala si Lam Cheuk-ting, dating imbestigador ng Hong Kong Independent Commission Against Corruption (ICAC) at kasalukuyang mambabatas,  na ganito ang mensaheng ipinaabot ng hukuman sa iba pang public officials ng China.

Ipinahayag ito ng mambabatas matapos mahatulan si dating Hong Kong Chief Executive Donald Tsang nang 20-buwan pagkakakulong.

‘Yan ay dahil guilty siya sa kasong, “one count of misconduct in office.”

Si Tsang ang itinuturing ngayong kauna-unahang highest-ranking public servant ng Hong Kong na nahatulan ng pagkakakulong.

Ang kaso ay nag-ugat sa transaksiyon ng biniling penthouse ni Tsang sa isang businessman na nag-a-apply naman ng lisensiya para sa digital radio license sa pamahalaan.

Inaprobahan umano ang aplikasyon ng nasabing negosyante ng Hong Kong’s cabinet, sa pagitan ng 2010 at 2012, habang pinag-iinteresang bilhin ni Tsang ang nasabing penthouse sa Shenzhen para sa kanyang retirement.

030117 ph hk

Ayon kay Judge Justice Andrew Chan, “breach of trust was an important and significant aspect in his criminality.”

Grabe, nakalulula ang taas ng pamantayan para sa isang malinis na pamahalaan ng Hong Kong.

‘Yung malisya pa lang na nakikipag-usap ang isang nakaupong lider sa isang negosyante na ang kapalit ay pabor sa kanya, maliwanag na conflict of interest ‘yun.

Napakabilis ng proseso sa korte, 18 buwan lang tapos na agad ang paglilitis.

Nang patawan ng sentensiya ay ikinulong sa isang ordinaryong kulungan at WALANG SPECIAL o VIP TREATMENT!

Nagsilbi rin itong babala sa mga senior officials na hindi sila dapat “nakikipag-elbow-to-elbow sa mga boss ng malalaking kompanya.”

Ganyan ka-estrikto ang Hong Kong upang huwag mabahiran ang kanilang pagpapatupad ng batas at pagsisikap na manatiling malinis ang kanilang pamahalaan.

Kailan kaya ito mangyayari sa ating bansang Filipinas!?

PNP INUTUSAN
NG PCSO PARA
IPATIGIL NA
ANG JUETENG

011617 Jueteng bookies 1602

Hiningi ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan ang pakikiisa ng Philippine National Police (PNP) na maging seryoso sa crackdown laban sa lahat ng operasyon ng ilegal na sugal.

Ayon kay Balutan, patuloy ang pamamayagpag ng jueteng sa iba’t ibang lugar kahit mayroong Authorized Agent Corporations (AACs) na may operasyon ng Small Town Lottery (STL).

Naniniwala si General Balutan na kung matitigil ang mga ilegal na jueteng sa bansa, mas malaki ang maiaakyat ng PCSO sa kabang yaman ng bansa at mas marami pa ang matutulungan ng pamahalaan.

Sa suporta ng Malacañang, nakapaglunsad ang PCSO ng expanded STL nitong February 1 na may 56 AACs na kayang kumita ng P27 bilyon para sa pamahalaan na inilalaan para sa charity services gaya ng libreng gamot at higit na pagpapalakas ng health programs.

Lilikha rin umano ang nationwide STL operation nang hindi hihigit sa isang milyong trabaho para sa mga kababayan nating hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

Gen. Balutan, isang kapaki-pakinabang na alternatibong programa ang ginagawa ninyo para sa ating mga mamamayan.

Sana’y magtuloy-tuloy na ‘yan dahil tiyak na maraming susuporta sa inyo sa programang ‘yan.

Mabuhay kayo PCSO GM ret. Gen. Balutan!

NAGPAPAKILALANG ENKARGADO
MULA SA SOUTH ASTIG PA KAY
DG RONALD “BATO” DELA ROSA?

080416 police bagman money

Ibang klase raw ang angas ng isang alyas ALAN ASPILETA.

Nagpapakilalang enkargado ng isang alyas Sir MO LETA na nakatalaga riyan sa southern Metro Manila.

Walang pili sa tongpats si Espeleta. Sugalan, putahan, at kahit bagsakan raw ng droga.

Ang importante, may pitsang malaki!

Nagyayabang pa ang kamote na hindi rin daw niya kilala si Gen. Bato at lalo si Presidente Digong?!

Aba, NCRPO chief, Chief Supt. Oscar Albayalde, mukhang gustong subukin ang iyong liderato ng isang alyas Aspileta?!

Sampolan na ‘yan?!

HAPPY SINA BAGMAN PAKNOY
AT BOY TONG-WONG

SIR Jerry, ang kapal ng mukha nina bagman Paknoy at Wong, nagyayabang na umistambay sa MPD HQ. Hindi kasi sila naisama sa itinapon sa ARRM. Mukhang naghatag nang malaki sa ‘taas’ para hindi cla makasama sa listahan. Hndi parehas ang labanan dito sa MPD. Agrabyado kaming matitinong pulis MPD. Pakitago numero ko sir.

+63917552 – – – –

TULUNGAN NATIN
SI PANGULONG DUTERTE

GOOD pm po Hataw. Sana ‘yung mga kritiko ni Digong makipag2longan n lang s kanya, d tau makakita ng pinuno 2lad ni Digong. D cya perpektong tao pero nakita natin gus2 nya iligtas ang susunod na henerasyon. Kawawa nman ung mga anak at apo ng apo natin ‘pag pabayaan natin ung droga, at sumisira sa kalikasan. Mabuhay ka Digong. Nasa likod mo kami para sa susunod n henerasyon ikaw ang bayani.

+639502142 – – –  –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *