Saturday , December 28 2024

11.3 milyong Pinoy walang trabaho

Ganyan na raw karami ang mga walang trabaho sa ating bansa, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) nitong huling kuwarta ng 2016.

Ito raw ang pinakamataas sa huling dalawang taon.

Sa kabila nito, nakapagrehistro naman umano ng mataas na pag-asa na maraming trabahong nag-aabang sa mga jobless kompara sa nakalipas na dalawang dekada.

Sa survey na ginawa nitong 3-5 Disyembre 2016, umabot sa 25.1 porsiyento ng 1,500 adult respondents ang jobless, 6.7 punto pataas mula sa 18.4 porsiyento o tinatayang 8.2 milyong jobless na Pinoy noong Setyembre.

Ito umano ang pinakamataas mula noong Disyembre 2014 na nakapagtala ng 27% joblessness rate.

Ang tanong, bakit ganito karami ang walang trabaho, Labor Secretary Silvestre Bello?

Bilang kabilang sa GRP panel for peace process, alam na alam dapat ninyo na ang isang dahilan ng rebelyon ay kawalan ng trabaho at oportunidad na makapamuhay nang masagana ang isang mamamayang Filipino.

Sa madaling sabi, ang bawat mamamayang Filipino na walang trabaho ay nalulublob sa labis na kahirapan.

At ang kahirapang ‘yan ay tila kumunoy na kapag na-swak diyan ay hindi na makaaahon at doon na mamamatay.

Naniniwala tayo, na ang mga Pinoy, bilang Asyano ay matatag at matiisin. Kaya nga may kasabihang, “habang maikli ang kumot ay magtiis mamaluktot” pero hindi siguro ibig sabihin niyan na hanggang mamatay ang pobre nating kababayan ay nagtitiis sa kahirapan?!

Sukdulang ‘kamalasan’ naman yata ‘yan na parang walang maasahan sa mga namumuno sa pamahalaan ang isang dukha para maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay?

Malapit na po kayong mag-isang taon sa puwesto ninyo Secretary Bello. At hindi naman kayo bago sa serbisyo publiko, puwede bang pataasin naman ninyo ang antas ng performance ninyo sa ilalim ng administrasyon ng pangulo na naghahangad na makapaghatid ng isang ‘tunay na pagbabago’ sa maliliit nating mga kababayan?!

Puwede bang tulungan ninyo si Tatay Digs na huwag mawalan ng mukha sa maliliit nating kababayan?!

Puwede ba iyon, Secretary Bello?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *