Friday , October 4 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

So far so good…

NGAYONG nakadetine na sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City si Senadora Leila De Lima, masasabi nating kahit paano ay makabubuti rin ito sa magkabilang panig.

Una, sa panig ng administrasyon na masugid na nagsusulong ng giyera kontra ilegal na droga.

At ikalawa, sa panig ni Senadora Leila De Lima na ipinagtatanggol ang sarili laban sa akusasyon na siya ay nakinabang at sumandok ng kuwarta sa illegal drugs trade sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) para sa kanyang election funds.

So far so good…

Ngayong nasa kustodiya na ng PNP ang Senadora habang naghihintay ng kanyang mga nakatakdang hearing sa korte, kasi nga, no bail ang mga kasong inihain laban sa kanya, kahit paano ay mapaglilimian niya kung paano ilalaban ang kinasasangkutang kaso.

092916-de-lima-bilibid

Mas mabuti na rin na dinala na ang usapin sa korte upang maipagtanggol ni Senator De Lima ang kanyang sarili.

‘Yun nga lang, tiis-tiis dahil wala siyang bail o piyansa.

Pansamantala, puwede rin siyang maki-mingle kina ex-Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada, kung magkakaroon sila ng pagkakataon na magkita-kita.

Ingat lang nang konti, Madam, mga guwapings ‘yan at maskulado, baka bigla na namang tumibok ang pu… so ninyo.

Hakhakhak!

Kidding aside, baka nga riyan pa kayo magkapatawaran sa loob ng PNP Custodial Center.

Apir, apir na lang!

‘INCONSISTENT’ ANG POLICY
SA BLOGGERS NG PALASYO

060916 martin andanar

Nakalilito ang patakaran ng Palasyo sa mga blogger na kahapon yata ay opisyal nang tinanggap o binuo ng Presidential Communications and Operations Office (PCOO) na pinamumunuan ni Secretary Martin Paandar ‘este Andanar para mag-cover kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Una, sinasabi sa PCOO Social Media Policy na kinikilala nila ang umuusbong na communication platforms kaya gusto nilang paunlarin at samantalahin ang potensiyalidad ng social media and so forth and so on…

Itong mga blogger ay binubuo ng online propagandists na nangampanya at sumuporta para kay Pangulong Rodrigo Duterte na bubuuin umano ng PCOO.

Kung ang mainstream media na karaniwa’y binubuo ng TV, radio, print at online news website ang tradisyonal at ikinokonsiderang fourth estate, para kay PCOO Secretary Martin Andanar, ang social media bloggers ang “collective voice of the citizenry.”

Ngunit sa memorandum na inilabas ng PCOO, sinasabing nagtakda sila ng mga espesipikong patakaran na ang mga miyembro ng bloggers ay dapat ibahagi ang mga pahayag ng gobyerno at iwasan ang pagbatikos sa pamahalaan.

“(Among their responsibilities is to) post, share and disseminate on his/her or their social media page, blog or website, the press releases and other news information issued by the PCOO,” saad sa memo.

At may dagdag na, “Applicant [sic] must not be involves in prosecuting any claim against the government.”

‘Yun doon lang tayo nalito, akala natin “collective voice of the citizenry” ‘e bakit bawal maglabas nang kontra sa administrasyon at pamahalaan?

Paano kung may nasilip ang mga bloggers na kamalian o katiwalian sa pamahalaan?

Hindi pa malinaw na censorship din ‘yan?!

Hindi siguro magawang robot ni Secretary Andanar ang mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC) kaya bumuo siya ng pantapat na bloggers na kaya niyang kontrolin?

Uulitin natin, kanino o saan accountable ang bloggers?!

Sa Facebook? Sa Twitter? Sa Instagram? Kay Andanar?

Secretary Andanar, paalala lang natin ang kasabihan, “Ang umaandar nang matulin, nahuhulog sa banging malalim.”

‘Yun lang po!

HINAING NG AIRPORT
POLICE SA ISANG OPISYAL

GOOD pm sir Jerry, kaming mga airport police ay naniniwala kung may concern o hinaing kami ay makararating at mababasa ni GM Monreal. Gusto lang namin ipa-monitor ang isang opisyal namin na si alyas Bulalakaw na sumasahod nang malaki pero ang gawa ay matulog lagi sa kanyang ofc. Puro pambubutas at paninilip ginagawa sa mga PO1. Sayang lang ang malaking suweldo niya.

– Concerned Airport Police.
+639155722 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Talento mo sa paggawa ng parol, isali sa “Kumukutitap 4” ng QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW ba ay isa sa daang libong QCitizens na may itinatagong …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paglalantad sa backdoor

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MATAPOS mapanood ang privilege speech ni Senator Raffy Tulfo …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Serbisyo ng LTO, hanggang Sabado na

AKSYON AGADni Almar Danguilan PASO na ba ang inyong lisensiya sa pagmamaneho at hindi makapag-renew …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *