Saturday , December 28 2024

‘Inconsistent’ ang policy sa bloggers ng palasyo

Nakalilito ang patakaran ng Palasyo sa mga blogger na kahapon yata ay opisyal nang tinanggap o binuo ng Presidential Communications and Operations Office (PCOO) na pinamumunuan ni Secretary Martin Paandar ‘este Andanar para mag-cover kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Una, sinasabi sa PCOO Social Media Policy na kinikilala nila ang umuusbong na communication platforms kaya gusto nilang paunlarin at samantalahin ang potensiyalidad ng social media and so forth and so on…

Itong mga blogger ay binubuo ng online propagandists na nangampanya at sumuporta para kay Pangulong Rodrigo Duterte na bubuuin umano ng PCOO.

Kung ang mainstream media na karaniwa’y binubuo ng TV, radio, print at online news website ang tradisyonal at ikinokonsiderang fourth estate, para kay PCOO Secretary Martin Andanar, ang social media bloggers ang “collective voice of the citizenry.”

Ngunit sa memorandum na inilabas ng PCOO, sinasabing nagtakda sila ng mga espesipikong patakaran na ang mga miyembro ng bloggers ay dapat ibahagi ang mga pahayag ng gobyerno at iwasan ang pagbatikos sa pamahalaan.

“(Among their responsibilities is to) post, share and disseminate on his/her or their social media page, blog or website, the press releases and other news information issued by the PCOO,” saad sa memo.

At may dagdag na, “Applicant [sic] must not be involves in prosecuting any claim against the government.”

‘Yun doon lang tayo nalito, akala natin “collective voice of the citizenry” ‘e bakit bawal maglabas nang kontra sa administrasyon at pamahalaan?

Paano kung may nasilip ang mga bloggers na kamalian o katiwalian sa pamahalaan?

Hindi pa malinaw na censorship din ‘yan?!

Hindi siguro magawang robot ni Secretary Andanar ang mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC) kaya bumuo siya ng pantapat na bloggers na kaya niyang kontrolin?

Uulitin natin, kanino o saan accountable ang bloggers?!

Sa Facebook? Sa Twitter? Sa Instagram? Kay Andanar?

Secretary Andanar, paalala lang natin ang kasabihan, “Ang umaandar nang matulin, nahuhulog sa banging malalim.”

‘Yun lang po!

HINAING NG AIRPORT
POLICE SA ISANG OPISYAL

GOOD pm sir Jerry, kaming mga airport police ay naniniwala kung may concern o hinaing kami ay makararating at mababasa ni GM Monreal. Gusto lang namin ipa-monitor ang isang opisyal namin na si alyas Bulalakaw na sumasahod nang malaki pero ang gawa ay matulog lagi sa kanyang ofc. Puro pambubutas at paninilip ginagawa sa mga PO1. Sayang lang ang malaking suweldo niya.

– Concerned Airport Police.
+639155722 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *