Sunday , December 22 2024

Salamin

DAHIL sa lumalaganap na protesta laban kay US President Donald Trump ay napag-usapan namin ng isa kong kuyang ang kanyang administrasyon at kung paano nito nililigalig ang marami lalo na ‘yung mga tinatawag na “Asian minority” at Latino.

Dangan kasi marami ang naniniwala at nakapupuna sa pagiging inconsiderate, racist at sexist daw na pangulo ni Trump. Hindi raw da-pat naupo sa poder dahil hindi siya ang nanalo sa popular vote. Sa katunayan, dagdag nila, malaki ang lamang ni Hillary Clinton kay Trump nitong nagdaang eleksiyon. Tanging sa mister-yosong electoral college lamang nanalo si Trump.

Lumabas sa usapan namin ni kuyang na si Trump ang mukha ng rural white America at kung ano man ang kanyang ikinikilos o ipinahahayag ay repleksiyon ng ugali at pananaw ng mga konserbatibong White Anglo Saxon na unti-unti nang nagiging minorya sa US.

Mukhang ang takot na maging minority ang dahilan ng mga konserbatibong puti kaya ibinoto nila si Trump.

Nasabi pa ni kuyang na ang pamunuan ng isang bansa ay salamin ng kaugalian o kultura ng lipunan na ginagalawan o pinaghaharian nito. Binigyang-diin niya na ang mga polisiya o patakaran ng administrasyong Trump ang “frame of mind” ng mga puting Amerikano.

Kung gayon, ang tanong ko naman kay ku-yang, si Pangulong Rodrigo Duterte ba ang salamin ng ugali ng lipunang Filipino? Oo ang sagot ni ku-yang sa tanong ko pero ano ang palagay ninyo?

* * *

Habang tumatagal ay umiinit ang sitwasyon sa South China Sea o West Philippine Sea dahil sa girian ng Amerika at Tsina; Hapon at Korea; Hapon at Taiwan; at ng Hapon at Tsina. Dahil mga taal na magkakaaway ang bansang Tsina, Korea at Hapon ay hindi malayong pumutok ang digmaan sa nasabing karagatan lalo na’t inuurot sila ng mga Amerikano na maglabo-labo.

Ayon sa mga eksperto, kung sakaling magkaroon nga nang giyera ang lubhang mapeprehuwisyo ay tayo at ang Indonesia. Ito raw ay dahil tiyak na titigil ang pangangalakal sa bahagi natin ng mundo.

Dagdag ng mga eksperto, malaki ang kinalaman nang ginawang unilateral na pagdedemanda sa The Hague ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa Tsina sa mainit na sitwas-yon ngayon. Ito kasi ang ginagawang palusot ng US na makapanghimasok sila sa East at Southeast Asia.

Ang pagdedemanda ay isinagawa ni Aquino sa kabila ng kawalan ng balot sa bakal na garantiya na poprotektahan tayo ng mga Kano kung sakaling digmain tayo ng mga Tsino. Kaya tama ang ginagawa ni Pangulong Duterte na “Pivot to China” para mawalan nang dahilan na manghimasok pa ang mga Kano sa ating bayan gamit ang isyu sa West Philippine Sea.

Mainam din na manalangin at humingi tayo ng awa sa Diyos na huwag sanang matuloy ang nakambang delubyong ito.

* * *

Mayroong work slowdown ang immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil hindi raw pinasasahod nang tama. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang e-news website na www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *