Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

LTFRB AT DepEd magaling lang kapag may nagaganap na trahedya at sakuna

HINDI lang siguro Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Education (DepEd) ang may ganitong sistema na kapag may nagaganap na sakuna o trahedya lang nagiging aktibo at naaalala ang importanteng tungkulin nila sa bayan.

Malaking porsiyento sa hanay ng mga ahensiya ng pamahalaan ay ganito ang sistema — REACTIVE lang sila.

Aaksiyon at muling ipaaalala ang mga polisiya kapag may isang malaking trahedyang naganap.

Gaya nga ng disgrasyang naganap sa Sampaloc, Tanay, Rizal na umabot sa 13 estudyante, driver at isang staff ng Bestlink College of the Philippines sa Novaliches, Quezon City ang namatay, on the spot, nang mawalan ng preno at bumangga sa poste ng koryente ang tour bus.

Ngayon biglang nagsalita si DepEd Secretary Leonor Briones tungkol sa mga patakaran nila sa field trips. Hindi raw nila kinikilala ang mga waiver na pinipirmahan ng mga magulang.

Puwede umano silang maglabas ng moratorium sa pag-oorganisa ng field trips ng mga paaralan.

At mahigpit daw na ipinagbabawal ang field trip sa mga mall at TV show.

‘Yun lang, wala tayong narinig kung ano ang gagawin para matiyak ang seguridad ng mga estudyante, kundi ‘yung kailangan daw may teaching staff at parent/s sa isang sasakyan.

Ang LTFRB naman, iinspeksiyonin daw ang lahat ng bus na inaarkila ng mga paaralan tuwing mayroong field trip. At kukuha rin muna ng permit sa kanila ang isang bus company na aarkilahin sa isang field trip.

Wattafak!?

E bakit ngayon lang n’yo ginagawa ‘yan?!

Hinintay pa ninyong may madisgrasya bago kayo kumilos?!

Totoong ang disgrasya o aksidente ay hindi inaasahan. Pero mayroon mga paraan para maiwasan ito o kahit paano ay ma-minimize ang epekto sa mga biktima. Wala rin naman mangyayari kung magsisihan man at ibunton sa iisang grupo o tao ang naganap na trahedya.

Sana lang huwag magturuan ang paaralan at ang may-ari ng bus kung kahit man lang sa pinansiyal na aspekto ay mapagaan nila ang hilahil ng mga pamilya ng mga biktima.

Karamihan po sa mga biktima ay mga kabataang nangangarap na makaahon sa kahirapan at makatagpo ng magandang trabaho kahit vocational technology ang kanilang kurso.

Ibig sabihin, nangungunyapit sila sa pagsisikap para magkaroon ng katuparan ang kanilang pangarap para sa kanilang pamilya.

Kaya mahirap talagang ilarawan kung ano ang sakit na nararamdaman ng mga naulilia nila.

Maging aral sana sa lahat ang nangyari sa Bestlink College. Lalo na sa mga paaralan na walang inisip kundi pagkakitaan ang field trips at ganoon din sa mga operator ng bus na walang pakialam sa kaligtasan ng pasahero basta’t magkamal lamang.

LTFRB Chief Martin Delgra at DepEd Secretary Madam Leonor Briones, sana hindi lang ngayon dapat kumilos?!

TATAK “DRUG FREE”
NG DILG MAKATUTULONG
KAYA SA WAR ON DRUGS?

022417 drug free DILG

Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueño, Sir, tingin ba ninyo ay makatutulong ‘yan sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte?

‘Yung tatakan ng “DRUG FREE” sticker ang mga bahay na hindi sangkot sa ilegal na droga?

Ikalawang tanong, ano ba ang mas marami, ‘yung sangkot sa ilegal na droga o ‘yung hindi nakikisangkot?

Paano kung hindi ninyo matatakan ang mga bahay na hindi naman sangkot sa droga?!

At natatakan naman ang bahay na mayroong sangkot sa ilegal na droga? Paano kung nagbago na?

Mabubura pa ba ang ‘stigma’ na nilikha ng tatakan na ‘yan?!

Kung ano-ano na lang talaga ang naiisip ng mga opisyal ng pamahalaan, masabi lang na tumutulong kuno sila sa war on drugs ni Pangulong Digong.

E Secretary Mike Sueño, unahin n’yo kayang busisiin ‘yung mga nagpapakilalang bagman ng DILG sa mga ilegalista?!

Sila ang una ninyong atupagin Mr. Secretary.

Baka sakaling sa pamamagitan ng pagbusisi ninyo sa mga aktibidad nila ay makatukoy kayo ng malaking drug lord.

At kapag nangyari ‘yun, tiyak nakatulong kayo nang malaki sa war on drugs ni Tatay Digs.

Puwede ba, Mr. Secretary?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *