INIHAYAG ni Philippine National Police Directorate for Investigation and Detective Management (PNP-DIDM) chief, Sr. Supt. Glen Dumlao, talagang target na patayin ang Korean trader na si Jee Ick Joo.
Sa pagdinig sa Senado ukol sa “tokhang for ransom” o pagdukot at pagpaslang kay Jee Ick Joo, sa pagtatanong ni Senadora Leila De Lima, sinabi ni Glen Dumlao, sa kanilang mbestigasyon, lumalabas na hindi kidnap for ransom ang tunay na motibo sa pagdukot sa Korean tra-der.
Aniya lumabas na gustong patahimikin si Joo dahil sa extortion activities sa Korean community sa Angeles, Pampanga, at maging sa online gaming activities.
Sinabi ni Dumlao, luma-labas na diskarte lamang ng ilang sangkot sa krimen ang paghingi ng ransom sa maybahay ni Joo, ngunit hindi direktang natukoy kung sino ang kumuha ng P5 milyon ransom.
(CYNTHIA MARTIN / NIÑO ACLAN)