TULOY ang laban.
Iginiit ito ni Senator Leila De Lima makaraang
lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya.
Ayon sa senadora, hindi pa naisisiilbi ang warrant of arrest kaya nais niya munang makauwi sa kanilang ta-hanan.
“Sa ngayon, wala pa sa aking isini-serve bagama’t kuwestiyonable ang pag-iisyu ng warrant of arrest sa aki,” ani De Lima.
Dahil dito, nagpasiya ang Senadora na umuwi muna sa kanyang bahay para makapiling muna ang kanyang pamilya.
“Gusto ko munang umuwi para makapiling ko muna ang aking pa-milya at maiayos ang mga kinakailangang dalhin sa kulungan,” paiyak na pahayag ng Senadora.
Nangako si De lima na muling babalik ngayong araw sa Senado para sa pagsisilbi ng order of arrest sa kanya.
Pinasalamatan ni De lima ang mga kasamahan sa Liberal Party (LP) sa kanilang suporta kabilang na sina senators Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, Rizza Hontiveros at Bam Aquino.
Humihingi din ng dasal si De Lima sa publiko para sa kanyang ligtas na piitan.
“Sa inyong lahat, humihingi ako ng inyong dasal na sana ay maging safe and secure ako saan man nila ako ikulong,” pahayag ng babaeng mambabatas.
Dagdag niya, bahala na ang kanyang mga abogado sa mga gagawin na hakbang sa kanyang kaso.
Walang bail na ibinigay ang korte sa kasong kinakaharap ni De Lima na pagkakasangkot sa ile-gal na droga.
(CYNTHIA MARTIN)