EVERY weekend, regular ang punta at bonding namin ng aking kids, sa isang mini mall somewhere in Quezon City na makikita ang puwesto ng beteranang psychic na si Madam Auring. At matagal nang nakapuwesto sa second floor ng nasabing mall si Madam Auring, na five years ago ay talaga namang dinarayo ng mga bilib sa kanyang OFWs.
Kaya lang magmula bang lumipat ang manghuhula sa 3rd floor ay inalat na at buong maghapon ay nilalangaw siya sa kawalan ng customer.
Bakit?
Nawala na ba ang magic ng tarrot card ni Madam Auring na gamit niya sa kanyang mga panghuhula o ritwal. Hashtag #PleaseSaveMadamAgyud!
ENDORSEMENT AT PROJECTS
NI MARIAN RIVERA BONGGA
NGAYONG 2017
Bukod sa nilulutong teleserye ngayong taon ng GMA-7 sa kanilang primetime queen na si Marian Rivera at regular na napapanood tuwing Linggo sa “Sunday Pinasaya” at in-demand sa mga guesting sa Kapuso show tulad ng Sarap Diva at Dear Uge, last week ay muling pumirma ng panibagong kontrata sa isang sosyal na resto si Marian para sa Biofitea na apat na taon nang ini-endoso ng maganda at seksing aktres.
Nagpapasalamat siya sa Diamond Laboratories, Inc., na hinintay pa rin siya hanggang puwede na uli siyang mag-endorse ng kanilang produkto.
“Noong buntis pa ako kay Zia, ibinaba muna nila ang billboards ko. For safety na rin dahil baka maraming maniwala na kahit pala buntis ay puwedeng uminom nito, although wala namang masama dahil herbal naman ito,” chika ni Yanyan sa ilang invited press.
“Kaya gusto kong magpasalamat sa Biofitea dahil naging very supportive sila sa akin. Nagulat nga ako dahil hindi pa naman nila ako nakikita kung pumayat na ba ako, pero still kinuha pa rin nila alko uli. Kaya hayun, nilaklak kong lahat ang Biofitea para bumalik talaga muli ang katawan ko, at hayan na ang hashtag naming #TiyanNiYan.”
Hahangaan talaga sa proseso niya na after giving birth to Zia na baby nila ni Dingdong Dantes ay mabilisan niyang naibalik ang dating katawan at ready na siya to work again.
“Pinaghandaan ko talaga ang pagbabalik ko sa trabaho, gusto kong maging example ako ng mga nanay na takot magbuntis na baka hindi na bumalik ang katawan nila. Pero siyempre, dapat alagaan din nila ang sarili nila, huwag silang magpabaya na lumaki ang katawan nila.
“Kaya next month, ready na akong mag-tape ng bago kong teleserye sa GMA. Marami silang inilatag na project sa akin, pero itong gagawin ko ang pinakagusto ko at alam kong magugustuhan din ng fans. Alam kong lalabas ang tiyan ko riyan,” pahayag ng masayang Marian na soon ay magbubukas na ng kanyang flower shop business.
Humahataw rin sa dami ng endorsement niya ang actress ilan rito ay kasama niya ang hubby na si Papa Dong.
EB BAES, INSPIRASYON
NG MARAMING KABATAAN
Hindi maikakaila ang pagsikat ng mga “Baes” ng Eat Bulaga at patunay ang patuloy na paghahari sa ratings sa AGB Nielsen ng kanilang teen-oriented show na TROPS. Wagi rin sila sa social media; collectively, mahigit isang milyon na ang kanilang followers sa Instagram.
Noon ay kilala lang ang mga Baes (Kenneth Medrano, Miggy Tolentino, Joel Palencia, Jon Timmons and Kim Last) bilang mga back-up dancers sa Eat Bulaga. Ngayon ay sikat ay sikat na sila bilang boy group at bilang mga indibiduwal na artists. Pero ang pinakagusto nila ngayon ay maging bagong role models ng kabataan.
“We owe it to those who supported us from the start to be the best that we can be.
“Ever since I could speak, I’ve known I wanted to be an actor. Masaya na ako. I achieved the point wherein I’m happy. Masaya ako rito. I am living my dream, so I feel-the whole group feels – that we have to give back to the fans,” sey ni Kim.
Isang inspirasyon, ang kuwento ng pagpasok sa showbiz nina Kenneth at Miggy. Si Kenneth ang grand winner ng That’s My Bae contest ng Eat Bulaga noong 2015. At tulad ni Kim ay pangarap din niyang maging artista noong bata pa siya. Pero dahil sa Cebu siya nakatira, hindi naging madali ang pagpasok sa showbiz para sa kanya. Sugal ang pagpunta ni Kenneth sa Maynila upang matupad ang kanyang pangarap at para matulungan ang kanyang pamilya, lalo ang kanyang ina.
“Lahat ito, ginagawa namin para sa pamilya namin,” sabi ng sikat na Bae na alaga ni Ma’am Malou Choa-Fagar.
Tulad ni Kenneth, bago pumasok ng showbiz ay simpleng teenager lang si Miggy na tambay lang.
“Patambay-tambay lang sa labas ng bahay kasama ng mga kaibigan ko.”
Madalas siyang mag-audition bago makasama sa That’s My Bae contest ng Bulaga. Kahit noong parte na siya ng EB, inaamin niyang mababa ang kanyang self-confidence noong simula.
“Meron time na gusto ko na mag-quit,” pagre-reveal ni Miggy. “Ang hinihiling lang namin dati, magkaroon ng show na mag-extra kaming anim na magkakasama. Naisip ko, na balik na lang ako sa bahay namin. Mag-stay na lang ako sa dati kong buhay, mag-quit na lang kami.”
Pero pinigilan si Bae Miggy ni Bae Tommy, na isang full-time call center agent bago pumasok sa showbiz.
Sabi ni Tommy, lahat ng ginagawa nila ay hindi lamang para sa sarili nila.
“Yung mga tagumpay namin, ‘yung mga achievements namin para ‘yun sa lahat ng naniniwala sa amin, para sa pamilya namin. Malayo na nga ang narating ng Baes, simula noon.
“We’re all living the same dream,” sabi ni Bae Jon at dagda niya, “It’s not competition. It’s just so happened that we have the same dreams and aspirations.”
Bilang role models ng maraming kabataan, alam ng Baes na kailangan pa nilang magsumikap at magtrabaho para ma-achieve ang kanilang mga pangarap.
Patuloy silang mapapanood sa “TROPS” Lunes hanggang Biyernes 11:30 am bago mag-Eat Bulaga.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma