Monday , December 23 2024

PCOO Secretary Martin Andanar kalihim ba ng mga ‘troll’?

NOON tigas ang tanggi nitong si Presidential Communication and Operations Office (PCOO) chief na si Secretary Martin ‘Paandar’ ‘este Andanar na wala umano silang kaugnayan sa mga blogger na tinatawag na ‘trolls’ sa social media.

Pero habang lumalaon, lalo’t naglulutangan na at sabik na ring magpakilala sa madla ang mga tinatawag na bloggers cum trolls, awtomatiko silang kinandili ni Secretay Paandar, ‘este Andanar.

Kamakailan, idineklara ni Andanar na isasali o ilalahok nila sa Malacañang Press Corps (MPC) ang mga kilalang bloggers.

Napag-alaman natin, ang mga blogger ay personal na nakalalapit kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at mas mabilis pa silang nakapag-i-interview kaysa mga miyembro ng MPC.

Kumbaga, ‘yung MPC reporters na walang mintis sa pagko-cover sa mga activity ng pangulo, at nagtitiyagang makinig sa kanyang speeches para may maipasang istorya sa kani-kanilang publication or networks ‘e mas naiiwan dahil s’yempre mas naipaprayoridad ni Andanar ang bloggers.

Katunayan, iniimbitahan ng Palasyo ang MPC officials and members para makilahok sa gaganaping Social Media Police Town Hall sa 23 Pebrero sa UP Diliman para buuin daw ang draft policy ng kahalagahan ng social media bilang communication platform.

Wattafak! Sapak!

Talaga namang gagawin pang ‘ngongo’ ang mga taga-MPC para suwabeng ‘ma-legitimize’ ang pagpasok ng bloggers bilang miyembro ng MPC?!

Inililinaw lang po natin, wala tayong masamang tinapay sa bloggers.

Ang gusto nating sabihin may ibang dinamismo o autonomy ang tungkulin, responsibilidad at galaw sa lipunan ng mga mamamahayag kaysa bloggers.

Ang unang kuwestiyon siyempre, kanino accountable ang bloggers?

Sa Facebook? Sa Instagram? Sa Twitter?

At ang ipinagtataka natin, kung bakit parang napaka-espesyal ng trato ni Secretary ‘Paandar’ ‘este Andanar sa mga blogger habang ang mga lehitimong mamamahayag ay tahasan niyang pinagbibintangan na tumanggap umano ng $1,000 para i-cover ang press conference ng nagpapakilalang leader ng Davao Death Squad na si Arthur Lascañas sa Senado!?

Sonabagan!

Wala bang matinong adviser si Paandar ‘este’ Andanar at nagsasapubliko siya ng mga akusasyon na wala man lang siyang hawak na batayan?

‘Yan, inulan tuloy siya ng upak mula sa Senate reporters at mga katoto natin.

Hinahamon ngayon ng Senate reporters si Andanar na patunayan ang kanyang sinasabi dahil nakataya ang kanilang kredebilidad at reputasyon ng kani-kanilang media entity.

Pero kung hindi niya mapapatunayan, kailangan niyang mag-public apology dahil sa pagkakalat ng pekeng balita.

Gusto tuloy natin isipin, ganito ba mag-practice ng journalism si Mr. Andanar noong siya ay nasa mainstream media pa?

Kung oo ang sagot diyan, puwes magtataka pa ba tayo kung bakit ganito ang ipinakikitang asal ni Paandar ‘este Andanar sa mga taga-media, ngayong siya ay PCOO Secretary na?!

Ano sa palagay ninyo, mga katoto?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *