Saturday , December 21 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sen. De Lima wala nga bang kaba o hamig simpatiya? (Paghahanda sa hoyo)

INIHANDA na raw niya ang kanyang sarili kung ano ang mangyayari sa linggong ito, ayon kay Senator Leila Saba ‘este De Lima.

‘Yan ay matapos siyang sampahan ng tatlong kasong non-bailable ng Department of Justice (DoJ) sa regular court at hindi sa Ombudsman.

Katunayan, inubos umano ni Secretary De Lima ang kanyang huling weekend sa laya, sa pamamagitan ng pakikipagkita sa mga kamag-anak at kaibigan.

Kahapon, nagsimba rin siya sa Our Lady of Manaoag sa Pangasinan.

082616 nbp Bilibid de lima aguirre

Buong tapang din na sinabi ng Senadora na nakahanda ang kanyang legal team para ipagtanggol siya.

Habang sinasabi ni Secretary Vitaliano Aguirre II na klaro ang kanilang ebidensiya na si Senator De Lima ay sumandok ng kuwarta sa illegal drugs trade sa National Bilibid Prison (NBP) para gamiting pondo sa pagtakbo niya nitong nakaraang eleksiyon, patuloy namang sinasabi ng babaeng Senador na paghihiganti umano ng Pangulo ang ginagawa sa kanya.

Anyway, ano man ang palitan ng akusasyon ng magkabilang panig, malaking pabor ang ginawa ng administrasyong Duterte na isinampa ito sa korte upang maipagtanggol ni De Lima ang kanyang sarili.

Iisa lang ang inaabangan ng sambayanan, lumabas ang katotohanan at maparusahan ang may kasalanan.

MGA BUWAYA SA MAKATI CITY
ITOKHANG NA ‘YAN!

022017 tow truck

Nakatanggap ang inyong lingkod ng reklamo laban sa mga abusadong towing truck at wrecker na kung tawagin na nga ng mga biktima ay isang sindikato.

Nag-uumpisa umano ang modus operandi sa mga kasabwat nilang nagbabantay sa malalaking truck na dumaraan sa South Superhighway mula Magallanes hanggang Vito Cruz sa Maynila.

Kung tawagin umano ang grupong ‘yan ay tropang wrecker na bumubutas sa hose ng gas kaya mayroong mga tumitirik.

Kapag nabutas na nila ang hose, ititimbre na umano sa tropang wrecker kaya katitirik pa lang ng truck agad na nilang nasusundan.

Siyempre babatakin ito sa headquarter nila at doon ay ipatutubos umano sa halagang P18,000.

Wattafak!!!

Alam ba ng buwayang wrecker kung gaano kahirap bunuin ang P18 mil ng isang pangkaraniwang empleyado!?

Sonabagan!!!

Makati Mayor Abby Binay, ‘yang tropang wrecker umano ay kinabibilangan ng isang alyas Bong Kalbo, alyas Alvin, Romy Manikis, at Cris Baba.

‘Yan daw mga taong ‘yan ay nagpapakilalang under Mayor’s office ng Makati.

Kilala mo ba sila, Mayor Abby?

Saan napupunta ang mga hinuhulidap nila sa mga pobreng nabibiktima ng ‘tropang wrecker?’

Sa office ba ninyo Mayor Abby?

Mayor Abby, nakakaladkad nang husto ang pangalan mo sa ‘raket’ ng tropang wrecker…

Pakibusisi naman at puwede ba itokhang na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *