Sunday , December 22 2024

Karma

NAPAKAINGAY nitong si Senadora Leila De Lima kaugnay sa tinataya niyang gagawin na pag-aresto sa kanya ng mga awtoridad dahil sa demandang isinampa laban sa kanya kamakailan ng Department of Justice sa Muntinlupa City Regional Trail Court.

Ang demanda ay may kaugnayan sa kanyang kinalaman umano sa kalakaran ng bawal na gamot sa loob ng Bilibid noong panahon na siya pa ang DOJ secretary.

Imbes harapin niya na may dignidad ang suliraning ito ay napakaingay niyang nagpapaawa pa sa bayan.

Maiintindihan ng Usaping Bayan ang kanyang pag-iingay kung katulad siya ng laksang karamihan na walang kapangyarihan o tinig sa lipunan na kinakailangan mag-ingay upang mapansin ng mga nakaupo sa poder o sa “ivory tower.” Pero hindi ang isang tulad niya na mayaman at bigatin sa lipunan ang dapat umaasta nang ganito. Overkill ‘ika nga.

Kahit ano pa ang sabihin niya, kahit ipagpalagay pa natin na totoo na siya’y pinag-iinitan o pine-persecute ng administrasyong Duterte, ay nananatili na siya ay may tinig at impluwensiya sa lipunan. Siya ay isang senadora na suportado ng isang partido politikal na kinabibilangan ng mga “old rich” o ‘yung saksakan nang yaman sa lipunan (na karamihan ay nakinabang sa mga nagdaang administrasyon). Hindi siya lubusang walang kakayahan tulad nang halos lahat na nabibiktima ng digmaan laban sa ilegal na droga.

Kaya nakasusuka na pinalalabas niya na siya ay walang kalaban-laban sa mga sinasabing pinaggagagawa sa kanya ng nakaupong administrasyon. Sa totoo lang, may palagay ang marami na karma kung ano man daw ang nangyayari sa kanya dahil pinaggagawa rin daw niya noon sa mga kalaban ng padron niya sa politika ang kahalintulad na sinasabi niyang panggigipit na ginagawa sa kanya ngayon.

Siguro mas dapat tumahimik muna siya at hintayin ang inaantay niyang pagkakabilanggo bago siya magngangawa. Kung tutuusin ay napakasuwerte pa rin niya. Isipin na lamang na kahit hindi pa man siya inaaresto ay inaalok na siya ng detention center sa Camp Crame, isa itong pribilehiyo na hindi tinatamasa ng isang Juan dela Cruz na katulad niyang isinakdal ng DOJ sa hukuman.

Hindi ba’t mas may magsisimpatiya sa mga taong nasa gitna na nang pangangailangan o indulto kaysa doon sa mangangailangan o maiindulto pa lamang. Ano sa palagay ninyo?

* * *

Delikado ang mga TNT ngayon sa US dahil sa ipinatutupad na anti-immigrant policy ng administrasyong Trump. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang e-news website nawww.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresortpara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *