Tuesday , May 13 2025

Ang aming pakikiramay sa pamilya Bautista

OUR sincere condolences to Quezon City Mayor Herbert Bautista, at sa mga kapatid niyang sina  Harlene at Hero. Masakit pero life must go on.

Namatay ang kanilang beloved father, Herminio “Butch” Baustista last Tuesday morning. Artista rin si Butch at lumabas sa mga pelikulang pinagbidahan ni late Fernando Poe Jr..

Markado ang kanilang grupo sa showbiz world, ang Lo’ Waist Gang na halos nagpagiba sa takilya ng sinehan na pinaglabasan noon. During that time, hindi pa uso ang maramihang theater na pinaglalabasan ng mga local movie. Bukod kina FPJ at Butch, miyembro rin ng Lo’ Waist Gang sina Boy Sta. Romana, Boy Francisco, Zaldy Zhornack, Bobby Gonzalez, Mario Antonio, Berting Labra, at Tony Cruz, na isa sa pinaka-magaling na dancer during their time.

Ang leading lady nito kung tama ang aming tanda ay sina Corazon Rivas, na si Pablo Santiago ang nagdirehe. Sa mga binanggit na Lo Waist Gang, parang namahinga na sila sa piling ng Panginoong Diyos. Nakalulungkot pero part ng buhay ang kamatayan, kaya eternal rest grant unto them specially sir Butch. And let perpetual light shine unto them. May their souls rest in peace! Amen.

NO PROBLEM DAW – Letty G. Celi

About Letty Celi

Check Also

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABILni John Fontanilla HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa. Huhusgahan na natin …

L sign Loser Vote Election

Mga artista mas ok kaysa trapo o dinastiya

I-FLEXni Jun Nardo EXCITING sa aming taga-showbiz malaman kung sino-sino ang papalarin sa mga artistang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *