Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kumusta naman ang Duterte’s economy? Hello P50:US$1!?

ISA ito sa problema ng mga economic adviser o consultant ng mga nagiging pangulo sa ating bansa, hindi sila laging nagsasabi nang totoo.

Kamakalawa nga, nagsara ang palitan ng piso sa dolyar sa halagang P50:US$1.

Ibig sabihin, 49 porsiyento ang taas ng dolyar sa ating piso.

Hindi natin alam kung artipisyal ba ito dahil sabi nga ‘e maraming nagmamani-obra o talagang bagsak ang ekonomiya bunsod ng epekto ng mga nakaraang desisyon ng Pangulo at pagpapasara sa operasyon ng mga minahan na tinukoy ni DENR Secretary Gina Lopez.

Kung hindi man ito naiintindihan ng ilang sector, matinding alarma ito para sa mga negosyante at importers.

Ang kabuhayan ng Filipinas ay matagal nang itinali sa export-import economy.

Kaya nga hindi tayo pinayagang magpaunlad ng industriya na magpapaunlad sa pagmamanupaktura ng mga produktong hindi na natin kailangan bilhin o i-import sa ibang bansa.

Nagtagumpay ang sistemang kapitalismo na ang mga industriya na nanatili sa bansa ay kailangan mag-angkat ng kanilang raw materials.

Kung napaunlad natin ang ating sariling industriya, e ‘di hindi na tayo aangkat sa ibang bansa. At ‘yang pag-aangkat na ‘yan, ‘yan ang kinakailangang gastusan ng dolyares ng mga negosyante.

Kaya kung ang dolyar ay pumalo sa P50:US$1, ibig sabihin, kailangan magdagdag ng gastos ng isang importer o negosyante para sa pag-angkat ng mga produkto o raw materials na kailangan nila.

011217 duterte money

Totoong kasama ‘yan sa mga business risk. Pero ang dapat na tingnan nang mas malalim rito ‘yung malawak na epekto nito sa ekonomiya natin lalo’t apektado ang maraming negosyante.

Kanino babawiin ng mga negosyante ang karagdagang gastos nila? Siyempre sa consumer.

E sino ba ang consumer? Siyempre ang sambayanang Filipino.

So ‘yan ang tinatawag na chain reaction na ang makararamdam nang huling epekto ‘e ‘yung end users o consumers.

Ang mga consumer, sa ayaw at sa gusto nila kailangan nilang gumastos para sa kanilang pangangailangan.

Ang mga negosyante, kapag hindi na nakayanan ang patuloy na pagtataas ng dolyares, puwedeng magdeklara ng bankcruptcy at isara na lang ang negosyo nila.

Maraming mawawalan ng trabaho. Pero ‘yung mga walang trabaho, kahit walang kita ay mananatiling consumer, may pambili man sila o wala.

Akala ng iba, maliit na bagay lang, o piso, dalawang piso lang ang pinag-uusapan sa pagsasara ng dolyar sa P50.

Mayroon po itong mabigat na implikasyon sa ating ekonomiya.

Ngayon, kung ang kasalukuyang economic advisers and consultants ni Pangulong Digong ay mag-aabang at manonood lang kung ano ang nangyayari sa ating lipunan ‘e hindi sila nakatutulong sa bansa.

Ano kayo mga spectator?!

Nandiyan kayo para magtrabaho at mag-isip kung ano ang mga dapat gawin at ano ang puwedeng maging alternatibo.

Mantakin ninyo, wala pang isang taon ang Duterte administration pero halos mahigit apat na piso na ang itinaas ng dolyares?!

Kung hindi ninyo kaya ang mga trabaho ninyo, aba may panahon pa para mag-esep-esep!

APRUB SA PANUKALA
NI CONG. GATCHALIAN

081216 AFP PNP

Dear Sir:

Maganda po ang panukala ni Valezuela City 1st District Rep. Wes Gatchalian sa kanyang isinusulong na batas na huwag pagbayarin ng estate tax ang mga kaanib ng AFP at PNP.

Isa pong malaking kaalwanan sa aming pamilya kung ito ay makapapasa sa kongreso at senado.

Malaking tulong po ito sa aming gastusin. Hindi po kaila sa atin na lumalaki ang gastusin ng pamilya kung tumataas ang presyo ng pangunahing bilihin, at gastusin sa pag-aaral ng aming mga anak.

Sana makita po ninyong mga nagsusulong ng batas ang aming paghihirap at mga tiisin kapag ang aming mga mahal sa buhay ay nakadestino sa lugar na mapanganib.

Ang buhay po ng sundalo at pulis ay laging nanganganib laban sa mga kaaway ng batas at higit sa lahat laban sa mga terorista.

Ito ang tanging propesyon na ang buhay ang kapalit sa kanilang pagseserbisyo sa bayan. Mas kanilang inuuna ang bayan bago ang kanilang pamilya.

BARBARA A. ALBA
Muntinlupa City
[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *