Saturday , December 21 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Si Wally Sombero nga ba ang sagot sa ‘misteryo’ ng P50-Milyones ni Jack Lam?

IPAGPAPATULOY ngayong araw ang pagdinig sa Senado kaugnay ng ‘misteryosong’ P50 milyones na sinabing tinanggap ng dalawang pinatalsik na immigration commissioner na sina Al Argosino at Michael Robles.

Sina Argosino at Robles ay fraternity brothers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa San Beda sa Lex Milyones ‘este Talionis.

Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee chair, Sen. Richard Gordon, natutuwa sila na nagpapakita ng kooperasyon si dating PNP official Wenceslao “Wally Sombero sa isinagawa nilang pagdinig.

Ngayong lumutang na nga si Wally Sombero, masagot na kaya ang P50-milyong katanungan kung ang sinasabing ‘ibinigay’ ni Lam ay kinikil o isinuhol?!

Nag-umpisa ito sa umano’y paghingi ng tulong ni Macau gambling mogul Jack Lam kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na pinagtagpo ni Wally Sombero sa Shangri-La Hotel sa Bonifacio Global City (BGC).

Gusto raw niyang maging ‘ninong’ o patron si Aguirre dahil kinikikilan umano siya ng dalawang Immigration Commissioner na sina Argosino At Robles.

021617 Sombero Jack Lam

At bago raw ibigay ni Wally Sombero sa dalawang immigration commissioner ang P50 milyones na hinati sa dalawang bigay, isang P20 milyon at isang P30 milyon sa pagitan ng 2:00 am at 6:00 am noong 27 Nobyembre, ay ‘nakipagkita’ at ‘nakapagsumbong’ na sila kay Aguirre.

Ang nakalilito rito, sinabi ni Wally boy na hindi siya nagtatrabaho kay Jack Lam kaya ang tanong, kanino galing ang P50 milyones na ibinigay niya sa dalawang commissioner?!

Kung hindi tao ni Lam si Sombero, ibig bang sabihin ay set-up ang ginawa niya sa dalawang commissioner?

Bakit tila nakahanda na ang CCTV sa City of Dreams sa abutan ng naka-paper bag na milyones?!

Bakit pinalipas rin nang ilang araw ni Wally ang sinasabing extortion bago ito ini-expose?

Totoo ba na P150 milyon ang “cashunduan” diyan?

May nabukulan ba sa tansaksiyon na ito kaya sumabog ang isyu sa madlang pipol?

Ilan lang ‘yan sa mga katanungan na hanggang ngayon ay naglalaro sa isipan natin.

Ngayong araw, sana ay maiklaro na ni Wally Sombero sa Senado kung ano ang katotohanan sa likod ng P50 milyones.

‘Yan po ang aasahan ng sambayanan ngayon, Senator Dick Gordon.

MTPB CHIEF DENNIS ALCOREZA
KAILAN PA NAGING LEGAL ANG ILLEGAL
TERMINAL SA PLAZA LAWTON?

090916-manila-city-hall-mtpb

Kahapon ng umaga ay nahagip natin ang interview sa DZMM ni Julius Babao kay Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Dennis Alcoreza  tungkol sa isyu at reklamo ng illegal parking sa Plaza Lawton sa Ermita, Maynila.

Kaugnay ito ng reklamo ng isang samahan ng mga UV Express drivers na hindi parehas ang paniningil na ginagawa sa kanila ng MTPB.

Sa nasabing interview, idineklara ni Alcoreza na hindi ilegal ang parking sa Plaza Lawton.

Aniya, pinapayagan umano ni Mayor Erap ang parking sa nasabing lugar para sa kaginhawaan ng mga pasahero/mananakay.

Ayon sa UV Express drivers, ang singil sa kanila ay P200 bawat UV Express habang ang mga bus naman ay P500 sa loob ng Liwasang Bonifacio.

Pero ang ipinagtataka ng UV Express drivers, bakit mayroon mga van (kolorum ba ito?) na pinapayagang pumarada sa nasabi ring lugar pero nasa kalsada na?!

At bakit mas mura (P110) lang sa ibang terminal kaysa Lawton na P200!?

Sinabi rin ng UV Express drivers na ang namamahala ng nasabing paradahan ay mga tauhan ng barangay?!

Bakit nga naman hindi taga-Manila city hall!?

Sa huli, hindi na mailinaw ni Alcoreza kung bakit ganoon ang umiiral na patakaran sa Lawton.

At kung kailan pa naging legal ang pagparada ng mga sasakyan sa isang pambansang liwasan?!

May naipasa bang ordinansa para gawing malaking terminal ng pampasaherong sasakyan ang lugar na ‘yan?!

Dating konsuhol ‘este Konsehal si Alcoreza, kaya alam naman niya siguro kung ano ang batas sa mga pambansang liwasan ‘di ba!?

Kung hindi bawal at pinapayagan ng city hall, ang tanong natin, mayroon bang iniisyung resibo ang MTPB o city hall sa paniningil nila ng P200 sa UV Express at P500 sa mga bus?!

Saan dinadala ang mga nasisingil?! Pumapasok ba ‘yan sa kabang yaman ng Maynila?!

O baka naman sa bulsa lang ng ilang tulisan diyan?!

Sa kabuuan ng pakikinig natin, walang nasagot si Alcoreza na klaro sa mga tanong na ipinukol sa kanya?

Ang sinabi niya sa huli, “papuntahin na lang po ninyo sa opisina namin ‘yung nagrereklamo.”

Tsk tsk tsk…

Ngayon lang natin napagtanto na ganoon lang pala kadaling ideklara na legal ang isang illegal terminal…

Ano ba talaga ang totoo Mr. Alcoreza?!

Magkano ‘este ano ba talaga ang basehan at naging legal ang illegal parking diyan sa Lawton?!

Pakisagot na nga!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *