Batas kontra interes ng mambabatas hindi aaprubahan sa Kamara
Jerry Yap
February 15, 2017
Opinion
NOONG una political dynasty ang ibinasura at hindi inaprubahan ng mga mambabatas.
Ngayon naman, tinanggal ang Plunder sa kasong puwedeng parusahan ng kamatayan.
Lumalabas tuloy na maraming tumututol sa death penalty hindi pa dahil sa humanitarian reasons kundi dahil kabilang dito ang kasong Plunder.
Ngayong tinanggal na ang Plunder sa death penalty, may naririnig pa ba tayong tumututol na isulong ito sa Mababa at Mataas na Kapulungan?
Sabi nga ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, bakit tinanggal ang Plunder, e capital offense ‘yan? ‘E kung tutuusin mas maraming pinapatay ‘yang Plunder kaysa murder.
“Ang murder isang tao lang ang biktima, pero ‘pag nagnakaw ka sa pondo ng bayan maraming tao ang magdurusa,” paliwanag ni Sen. Ping.
Agree tayo sa sinasabing ‘yan ni Senator Ping.
Hindi natin maintindihan ang katuwiran ng mga mambabatas na pumabor na tanggalin ang Plunder sa death penalty.
Ayon kay Speaker Pantaleon Alvarez, ang Plunder umano ay hindi “crime against a person.”
Ganito eksakto ang katuwiran ng mga mambabatas: “Iba kasi ‘yung plunder.”
“Although it’s a grave offense also, pero kasi ‘pag plunder, what you’re talking [about] is pera.” “‘Yung iba[ng crimes], life talaga [ang naaapektuhan] — rape, murder… they’re really crimes against a person. ‘Yung plunder, also a crime, yes, but it involves money than individuals.”
Nagigimbal tayo sa katuwiran ng mga mambabats na ito?!
Hindi yata nila naiintindihan kung ano ang pandarambong at pagpatay. Ang pandarambong ay masahol pa sa pagpatay!
Kung sa pagpatay, isang pamilya ang naaapektohan, sa pandarambong, niloko na ang taxpayers, ninakawan pa ng pag-asa ang mamamayan at pinaslang ang kaunlaran. ‘Yan ang pandarambong!
Ngayon, nakikita ng sambayanan na ang inihalal nilang mga politiko para makaupo sa puwesto ay hindi kailanman gagawa ng batas na babangga sa kanilang interes.
Klarong-klaro na ‘yan!
ILLEGAL CHINESE WORKERS
SA AKLAN (ATTENTION: SOJ
VITALIANO AGUIRRE)
Ibang klase rin pala talaga ang pagiging aktibo ng isang fixcal ‘este Fiscal Gonzales na miyembro raw ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) diyan sa probinsiya ng Aklan.
Very firm daw sa kanyang drive o ambition na sugpuin ang human trafficking sa kanyang jurisdiction.
Kaya nga noong minsang magkaroon ng pagkakataon na maging bida, talagang pinilit daw na mag-conduct ng entrapment diyan sa bayan ng Kalibo at pilit idiniin ang dalawang immigration officers kahit kaduda-duda ang pagkaka-set-up nito.
Kaya ang tanong nang marami, bakit parang taeng-tae si Piskal na ibaon ang mga pipitsugin niyang subjects?
Dahil simpleng kaso lang ba ito?
‘Pag simple nga naman, ‘di na kailangang lumayo ng lugar at maghirap. Kaya naman pala dedma lang sa kanya ang isang malaking kaso ng human trafficking diyan sa lugar niya sa Aklan.
Isipin na lang na umaabot sa libo ang bilang ng mga Tsekwang nagtatrabaho sa isang ginagawang dam diyan sa Aklan pero ni minsan ay hindi niya ito ginalaw o ini-report kahit sa DENR man lang?!
Wattafak!?
‘Di ba maliwanag na human trafficking ‘yan!? Kaya nga! Pero mukhang dedma lang kay Piskal!?
Palibhasa raw kasi hawak ng maiimpluwensiyang tao sa nasabing lugar ang mga Tsekwa!
At kaya kahit atat na atat na salakayin ito, e nangangatog naman ang “yagbols” sa takot?
Hay naku!
Pang-small time na kaso lang ba si panyero?
Well, na-inform naman kaya ni Piskal Totoy Bibo ang mga bossing niya sa DOJ tungkol sa mga Tsekwa na nagtatrabaho sa minahan ng Aklan?
That remains to be seen!
MAY PALAKASAN SA PULIS-MPD
NA IBABATO SA BASILAN
Maraming text at tawag ang natanggap natin sa mga pulis-Maynila hinggil sa listahan ng mga pulis na ipadadala sa Basilan.
Hinaing ng ilang pulis na nasa listahan, simpleng admin case lang ang kaso nila gaya ng not in proper uniform at tardiness.
‘Yung ibang may kaso ay matagal nang na-dismiss sa korte. Pero ‘yung mga sikat na pulis na bagman o enkargado ay stay put muna sa Maynila o sa kanilang presinto?!
Wattafak!?
Gaya ng isang Sarhentong PAKNOY na number 1 bagman ng ilegal na sugal sa Maynila. Hindi lang bagman ang lakad nito kundi may sarili rin siyang mga butas ng bookies, video karera atbp.
Isang alias TITINTOY na nagpapakilalang bagman para sa intelihensiya ng MPD.
Ang sikat na alias Sarhentong BOY TONG na nangunguna sa kolektong sa kamaynilaan. Minsan nang naihawla sa Office of the District Director noong panahon ni Gen. Rolando Asuncion pero dahil sa lakas maghatag ay nakawala na naman?!
Si alias TATA BETLOG RASKU na sikat na sikat rin umano sa otso-otso sa 1602 operators at pangongolektong sa illegal terminal at vendors.
Ang hindi nalalaos na bagman na si alias TATA BONG kara-KRUS na malakas rin ang konek sa mga gambling lord at sinasabing gamit ang presinto singko ngayon sa kanyang pangongolektong. Nakasama rin ‘yan sa NINJA cops na dapat naipatapon sa Mindanao pero sa husay gumapang ay hindi man lang nakatuntong kahit sa airport patungo roon.
Si alias DENNIS PORSIYENTO na napakalupit raw na bagman sa Nuwebe. Bata-batuta rin ng isang Kupitan diyan sa MPD HQ.
‘Yun matikas na Kupitan ng delihensiya group sa MPD HQ, na nakasahod lahat sa kanya ang ‘parating.’
MPD DD Gen. Joel Coronel, hindi ka ba ina-update ng iyong Intel boys tungkol sa mga pulis bagman na ‘yan?
Aba’y sila ang dapat unahin na ipatapon sa Basilan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap