HINDI nagkaroon ng konsultasyon sa commuter group ang P2.8 billion Common Station Project para sa LRT 1, MRT 3, at MRT 7, ito ang nabatid sa pagdinig ng Senate committee on public services, pinamumunuan ni Senadora Grace Poe.
Kaugnay nito, tutol si Bayan Secretary General Renato Reyes sa mga lugar ng common stations sa kahabaan ng EDSA, na magsasakripisyong maglakad nang malayo ang mga pasahero, para lamang pagbig-yan ang interes ng ilang malls sa lugar.
Sa naturang plano ng common station, tinututulan ni Reyes ang naging kasunduan ng gobyerno sa ilang may-ari ng malls, na daraan sa kanilang mga establisiyemento ang mga pasahero bago lumipat sa ibang tren.
Sinabi ni Reyes, sa nasa-bing proyekto, magsasakripisyo ang commuters para lamang sa interes ng malls.
Habang nilinaw ni Atty. Oscar L. Paras, Jr., project director ng MRT 7, kapag dumaan sa National Economic Development Authority (NEDA), posibleng nagkaroon na ng konsultasyon sa commuters group.
Kasunod nito, kinuwesti-yon ni Senadora Poe si Atty. Paras, kung talagang may naganap na konsultasyon, dapat pangalanan kung anong commuters group ang kanilang nakonsulta, na pumayag sa naturang sistema ng proyekto, na daraan sa malls ang mga pasahero bago makalipat sa ibang tren papunta sa kanilang pa-tutunguhan.
Ngunit imbes ibigay ang pangalan ng commuters group, sinabi ni Paras, kanilang aalamin at isusumite sa komite ang mga grupong nakonsulta para sa proyekto.
(CYNTHIA MARTIN)