SALAMAT naman at opisyal nang kinilala ng pamahalaan ang kabayanihan ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force na minasaker ng Moro Islamic Li-beration Front sa isang ambush sa bayan ng Mamasapano dalawang taon na ang nakararaan.
Sa rekomendasyon ng National Police Commission kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawaran ng pinakamataas na parangal ang nalalabi pang 42 PNP-SAF na hindi nabigyan ng kaukulang parangal ng nagdaang administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III kaugnay ng kanilang ipinakitang kabayanihan, ay kinilala na ng pamahalaan ang kanilang ibinuwis na buhay para sa bayan.
Medyo nakalulungkot nga lamang na nahuli ang pagkilala bunga na rin ng pagiging manhid ng nagdaang pamunuan pero ‘ika nga natin…huli man daw at magaling ay naihahabol din.
* * *
Nangangamba ang mga manggagawa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na baka maapektohan ang kanilang trabaho kung sakaling isapribado ng pamahalaan ang pagpapatakbo ng paliparan. May basehan ang kanilang takot sapagkat hindi naman lingid sa ating lahat na ang bunga ng bawat privatization ay pagkawala ng trabaho nang marami.
Dangan kasi, pagkakamal ng tubo ang prayoridad ng mga bagong nagmamay-ari ng ahensiya na naisasapribado at hindi na ang pampublikong serbisyo. Ang tiyak na una nilang gagawin ay i-streamline ang operasyon ng ahensiya na naisapribado sa pamamagitan ng pagsibak sa mga umano ay sobrang bilang ng mga kawani nito.
Pero ang totoo niyan ay nagtitipid lamang ang bagong mga kapitalista para lumaki ang kanilang tubo at ‘yung tinatawag na return of investments. Higit na mas mahalaga sa kanila ang kinang ng kusing kaysa matiyak na patuloy na may mapagkukunan ng ikinabubuhay ang bawat pamilya ng mga empleyado na kanilang sisibakin.
* * *
Ang paunawa naman ng Usaping Bayan sa mga nangangambang empleyado ng NAIA ay pagbutihan ninyo ang inyong pagtatrabaho upang kung dumating ang sandali na magkatotoo ang inyong takot ay madali kayong makahihingi ng suporta sa taongbayan. Kung kasiya-siya ang inyong serbisyo ay maraming magsisimpatya sa inyo kung sakaling magkatotoo na isasapribado nga ang operasyon ng NAIA.
Mahirap humingi ng ayuda sa taongbayan kung ang naririnig o nababalitaan nila ay pagkakaroon ng sindikato na laglag-bala o ang salisihang nagaganap sa mga bagahe ng mga dumarating na pasahero o di kaya ay pangingikil umano sa mga balikbayan at piling turista ng ilang tiwali mula sa Bureau of immigration at Bureau of Customs.
* * *
Masyado raw magastos pumunta sa mga beaches ng California. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang e-news website na www.beyonddeadlines.com
Ang website na ito ay naglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito.
Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com
Salamat po.
* * *
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.
USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK