Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Exemption ng BIR sa SSL sinusuportahan ng Kamara at Senado (How about Customs and Immigration?)

SA layuning maikapon ang korupsiyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), iminungkahi ng mga empleyado rito na maging exempted sila sa Salary Standardization Law (SSL) na mukhang kinatigan naman ng Kamara at Senado.

Sa katunayan naghain na ng panukala si House Speaker and Davao del Norte Rep. Pantaleon D. Alvarez at si ways and means committee chair, Quirino Rep. Dakila Carlo E. Cua, ang House Bill No. 4973, na naglalayong huwag saklawin ng Republic Act No. 6758 o SSL ang mga taga-BIR.

Sa Senado naman, nagpahayag na ng commitment si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na maghahain ng kanyang version ng nasabing batas at si Senate ways and means committee chair Sen. Juan Edgardo Angara ay naghain na ng Senate Bill No. 1314 para rito.

Ito ‘yung BIR compensation and position classification system (CPCS) para sa lahat ng manggagawa, full-time o part-time, o kahit basic compensation ang tinatanggap.

Nakahihikayat naman talaga sa mga empleyado na huwag nang pumatol sa kahit anong ‘transaksiyon’ na nagbubulid sa korupsiyon kung magkakaroon sila nang ganitong proteksiyon mula sa pamahalaan.

071116 BIR

Ang puna lang natin dito, mula naman sa simula ay alam nilang hindi mataas ang suweldo sa gobyerno lalo na kung ang posisyon ay pangkaraniwang kawani.

Tanging mga opisyal ang nakatatanggap ng sahod na P30,000 hanggang P60,000 habang sa mga government owned and controlled corporations (GOCC) ay may suweldong mula P35,000 hanggang P135,000 o higit pa gaya sa SSS.

Ibig nating sabihin, ang trabaho sa gobyerno ay may sakripisyo. Pero hindi ibig sabihin na kung nagsasakripisyo at nagtitiyaga sa maliit na suweldo ay mayroon nang lisensiyang pumasok sa mga transaksiyon na lumalabag sa anti-graft and corrupt practices.

Kaya nga ‘yung mga GOCC ang ginagawa, nagpapasa ang Board nila ng resolution na itaas ang sahod nila. Gaya ng ginawa ng Central Post Office, SSS, GSIS at iba pang malalaking GOCC.

Kaya siguro naisip din ng BIR na itaas naman ang suweldo ng mga empleyado.

Wala naman pong tutol diyan. Kailangan talaga ‘yan.

Pero ang isa pang tanong, paano naman ang ibang ahensiya na katulong ng BIR sa pag-aakyat ng pondo sa kabang yaman ng bansa, gaya ng Bureau of Customs (BoC) at Bureau of Immigration (BI)?

Kung gagastos din naman ng milyones sa deliberasyon ng nasabing House Bill, bakit hindi pa isabay ang para sa Customs at sa Immigration?!

Kung seryoso ang Kongreso (Kamara at Senado) na maikapon ang korupsiyon sa mga sinasabing corrupt-ridden agencies, palagay natin ‘e dapat nang unahin ‘yang tatlong ahensiya na ‘yan.

Ano sa palagay ninyo Speaker Alvarez and Senate President Koko?!

Tuloy ang butasan ng gulong ng sidecar sa Maricaban, Pasay City

TULOY ANG BUTASAN NG GULONG
NG SIDECAR SA MARICABAN,
PASAY CITY
(ATTN: PNP CHIEF, DG BATO!)

071216 crime pasay

Parang gusto na nating maniwala na may kinalaman ang Pasay local government officials sa butasan ng gulong ng mga sidecar sa Maricaban, Pasay City.

Aba, e parang hindi man lang kinalambre ang Pasay police sa pamumuno Senior Supt. Lawrence Coop.

Hindi natin alam kung ano ang layunin ni Kernel Coop at parang wala siyang pakialam kung salantain ng kanyang mga pulis ang kabuhayan ng maliliit nating kababayan na pedicab driver.

Kung ipinagbabawal ang mga sidecar o pedicab, bakit kailangan butasin ang mga gulong?!

Ganyan lang ba talaga ang alam na sistema ng Pasay PNP sa pagpapatupad ng peace and order, ang mandahas ng maliliit nating kababayan?!

Kung sa maliliit na tao lang magiging matapang ang PNP sa pamumuno ni DG Bato dela Rosa, pero tiyope sa malalaking sindikato ng droga at iba pang ilegalista, paano magtatagumpay ang “war on drugs” ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte?

Hinihintay pa siguro ni Kernel Kup ‘este’ Coop na makarating itong pagmamalupit sa maliliit na pedicab driver kay Tatay Digong bago niya ipatigil ang pagmamalabis na gaya nito?!

Gen. Bato, Kernel Coop, ayusin naman n’yo ‘yan!

MAG-INGAT SA IPIT
GANG SA SM MANILA

021117 sm manila

‘Yan ang paalala natin sa mga nagpupunta sa SM Manila na katapat lang ng Manila city hall at ilang metro lang ang layo sa Lawton PCP.

Nitong nakaraang linggo lang, dalawang babae ang nagreklamo sa atin na nabiktima ng ipit gang sa SM Manila.

Sumasabay ang mga hinayupak na ipit gang sa mahabang pila pagpasok sa entrance ng mall.

Kapag inusisa ninyo ang bag ninyo, nawawala na ang wallet o cellphone sa loob ng bag o backpack ninyo.

Ang tanong, bakit malakas ang loob ng ipit gang na magnakaw sa nasabing mall?

Hindi kaya pakawala ng lespu ‘yan!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *