Saturday , November 16 2024

Sombero iniutos ni Gordon arestohin

IPAAARESTO ni Senate blue ribbon committee chairman, Sen. Richard Gordon, si dating C/Supt. Wally Sombero, kapag bumalik sa Filipinas.

Si Sombero ang itinuturong bagman at middleman ni Jack Lam, para suhulan ng P50 milyon ang ilang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI), para pakawalan ang hinuling 1,316 Chinese undocumented workers.

Ayon kay Gordon, nabigo ang kampo ni Sombero na makombinsi ang Senado, ukol sa rason nang patuloy na pagliban sa Senate hearings ng dating heneral.

Nais ni Gordon na ipakulong ang retired police general sa Muntinlupa City, hanggang makipagtulungan sa nag-iimbestigang lupon.

Katuwiran ni Atty. Ted Contacto, abogado ni Sombero, nasa labas ng bansa ang kanyang kliyente, at sumasailalim sa medical attention.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *