ISANG stylist ng mga beauty queen ang aming naka-chikahan two weeks ago sa isang hotel sa Manila at ayon sa kanya ay may dalawang anak raw ang kasalukuyang famous car racer boyfriend ni Pia Wurtzbach na si Marlon “Alexander” Stockinger na isa ring Pinoy at kabilang sa Team Juniors ng Lotus F.
Parehong babae umano at kambal ang anak ni Marlon sa unang girl, na hindi naman sinabi kung kasal siya rito o hindi?
Well true or false man ang nasabing rumors ay kitang-kita na masayang-masaya si Pia sa piling ng nobyo at obyus na nagmamahalan sila ng karelasyong Filipino racer.
Loyal sa mother network GMA7!
REGINE VELASQUEZ MAPAPANOOD
SA BAGONG COMEDY-MUSICAL SHOW
NGAYONG 18 FEBRUARY
Ngayong nagsalita na si Regine Velasquez sa grand presscon ng kanyang bagong comedy-musical show na “Full House Tonight” sinabi niyang ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang isipan na iwan ang GMA-7.
Pawang espekulasyon lang pala ‘yung matagal nang balita na lilipat ng ibang network ang Asia’s Songbird. Paano mo nga naman lilisanin ang isang estasyon na mahal ka at binibigyan ng importansiya sa lahat ng aspeto at pati career ay hindi pinapabayaan.
Ganyan ang feeling ni Regine, sa network na kinabibilangan na ngayon ay binigyan pa siya ng show na gustong-gusto niyang gawin na ikinai-excite niya nang labis.
“I’m of course very excited and very thankful that
GMA has given me this kind of show kasi medyo na miss ko na ‘yung variety show. At least dito kumakanta ako ulit, hindi lang ‘yun, nagko-comedy rin, saka binibigyan din naman ako ng freedom to choose the songs,” share pa ng singer-actress host.
At compared sa usual comedy show ay mas entertaining ang Full House Tonight na mayroong musical performances mula sa various guests, mga riot stand-up comedy, improvisation (improv), parodies, and sketches sa loob at labas ng studio na mai-experience ng Kapuso viewers ang kakaibang handog
na entertainment ng show.
“It’s actually harder to make people laugh than to make them cry, so medyo may kaba kaming lahat pero it’s mostly exciting for all of us,” dagdag ni Regine.
“But I’m sure the viewers will love it and fun watching every episode.”
Bukod kay Regine ay magbibigay-kulay at saya rin sa Full House Tonight ang mga Kapuso star na sina Solenn Heussaff, teen idols Bianca Umali and Miguel Tanfelix, ang versatile artist na si Joross Gamboa. Comedians Philip Lazaro, Kim Idol, Terry Gian, Sarah Pagcaliwagan, Tammy Brown, and Nar Cabico na magbibigay ng palabok sa kanilang comical flairs.
Ang nasabing comedy-musical show ay idinirek ni
Louie Ignacio at mapapanood na ito simula ngayong 18 February pagkatapos ng Magpakailanman.
Abangan si Regine and company tuwing Sabado ng gabi sa kanilang quality music, comedy and all-around entertainment. Sa kanilang pilot episode ay si Dennis Trillo ang kanilang special guest.
LOLANG LABANDERA NOON,
PINALAD NA MANALO SA SUGOD-BAHAY
SA BARANGAY SA EAT BULAGA
Sampu ang anak at may mahigit na 50 apo ang bagong winner sa Sugod-Bahay sa Barangay na si Lola Rosita Baknes at sa edad niyang 75 ay kapiling pa rin niya at katuwang sa buhay ang mister na kasing edad niya.
At hindi sukat akalain ni Lola Rosita na sa tanda niyang iyon ay papalarin pa siyang manalo sa public service segment ng Eat Bulaga na namimigay ng malaking papremyo araw-araw sa iba’t ibang Barangay sa Mega Manila.
Ilan sa kanyang tinanggap na premyo ay P10,000 cash at masarap na pananghalian at malamig na coca-cola mula sa Coke, grocery items plus 2 sako ng bigas at P5K na bigay ng Puregold, jewellery package mula sa Villarica, koryente load courtesy of Meralco, at dalawang P5K galing sa Dash Diswashing Liquid at Pampangas Best at P10K ng Kopiko.
Bukod sa mga prizes, tulad ng ibang winners sa Sugod-Bahay ay pinagkalooban rin si lola ng Bossing Savings Bank na Passbook at ATM na may lamang initial deposit at tulong financial na P60K ng Eat
Bulaga para sa kanyang pamilya, sa pag-aaral ng mga anak at kanilang panggastos sa araw-araw.
Kasama ni Wally Bayola ang phenomenal love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza na personal na naghatid ng mga napanalunan ni Lola Rosita.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma