NANINIWALA si Senate President Aquilino Koko Pimentel III, posibleng makulong si Senadora Leila de Lima sa ordinaryong kulungan, sakaling lumabas na ang warrant of arrest sa kaso, kaugnay sa ilegal na droga.
Sinabi ni Pimentel, hindi “exempted” ang mga senador sa criminal liability lalo na kung ang parusa ay pagkabilanggo nang anim taon pataas.
Ipinaliwanag ni Pimentel, ang drug cases ay hindi related sa mandato o tanggapan ng isang senador, kaya’t hindi maaaring isampa sa Sandiganbayan, kapag nagkaroon na ng resolusyon ang prosecutor sa kaso na isinampa laban kay De Lima.
Iginiit ni Pimentel, ang “rule” na hindi maaaring arestohin ang mambabatas kapag nasa panahon ng sesyon, ay kasong may parusang anim taon pababa lamang.
(CYNTHIA MARTIN)