Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Softdrink dealer utas sa tandem (Nanalo ng P.5-M sa sabong)

PATAY ang isang softdrink dealer, habang sugatan ang kanyang driver, at ang garbage collector, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay si Alvin Delpin, 46, ng 683 Franvill-II Subd., Area A, Brgy. 175, Camarin, ng lungsod.

Habang nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose Rodriguez Hospital si Lemen Grana, 56, residente ng Franvill-II Subd., at ang garbage collector na si Mark Gil Bigasbis, 31, ng Doña Ana, Brgy. 175, Camarin

Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaril.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 9:30 pm, lulan ang biktima ng motorsiklo na minamaneho ni Grana, habang binabagtas ang Old Tenant St., Area A, Brgy. 175, Camarin nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Tinamaan din sa insidente si Grana, at ang garbage collector, naroroon sa lugar nang mangyari ang insidente.

Sa pahayag sa pulisya ni Grana, galing sila ni Delpin sa Sta. Monica Cockpit Arena sa Novaliches, Quezon City, makaraan manalo ang biktima ng P500,000 sa sabong.

Hindi nabanggit sa imbestigasyon kung nakuha ng mga suspek ang nasabing halaga.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …