SI Lito Banayo ay maihahalintulad sa isang ibong Sparrow na nakahanap ng init sa ebak ng Russian bull.
Mula nang mai-appoint sa MECO si Banayo, wala nang nakapansin sa kanya, sobra kasi siyang tahimik.
Tahimik na tahimik kaya nga walang nakapapansin.
Kung hindi pa nagreklamo ang mga dating opisyal at empleyado ng MECO dahil agad-agad silang tinanggal sa kanilang puwesto ng bagong talagang chairman na si Lito Banayo hindi pa sasambulat ang kung ano-anong kabulastugan sa tanggapan na ‘yan.
Maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay hindi na umano inirerespeto ni Banayo kaya nga siya na lang ang nagdedesisyon para sa MECO.
DFA Secretary Perfecto Yasay sir, mukhang mayroon kang tao na nakawala sa ‘kural’ na iyong ipinapastol at pinamamahalaan.
Papayag ka bang, nababastos ka ng isang gaya ni Banayo?
By the way, ano na po ba ang status ng kasong graft at rice smuggling na kinasasangkutan ni Banayo?
Paki-check lang po, Secretary Yasay!
MARIJUANA NI RISA
Mukhang high na high si Madam Risa Hontiveros at buong tapang na isinusulong sa Senado ang isang panukalang batas para gawing legal ang paggamit ng damong Marijuana.
Kung ang ipinagbabawal na gamot gaya ng Marijuana ay gagamitin umano para makatulong sa isang may malalang sakit ay dapat hayaan ang delivery, possession, transfer, transportation, o kaya ay paggamit nito.
Ang cannabis (ibang pangalan ng Marijuana) ay makatutulong umano nang malaki lalo doon sa mga may malalang karamdaman gaya ng epilepsy o cancer.
Wala umanong ibang layunin ang batas kundi ang bigyan ng pagkakataon ang isang may malalang karamdaman na magamot sa tamang paraan na maaaring makatulong sa kanya.
Kaya kung ang pasyente, caregiver, doktor o medical researcher ang maydala ng Marijuana, agad po silang maililigtas sa criminal liability.
Sa ilalim ng Article IV ng panukala ni Hontiveros, ang mga gumagamit ng droga (Marijuana) ay maliligtas sa krimen.
Arayku!
Ano naman bang batas ito?
Wala bang ibang puwedeng imungkahi si Ms. Hontiveros?
‘Yung makabuluhang batas naman!
Senadora Hontiveros, hindi ka scientist, hayaan mo ang trabahong ‘yan sa mga tunay na mananaliksik.
Gaano ka na ba katagal nagsaliksik para sabihin mong ang Marijuana ay nakagagamot?
Huwag lang pong masyadong epal.
Milyon ang ginagastos sa deliberasyon ng bawat panukalang batas!
KA SATUR SA PEACE TALKS
NCRPO CHIEF ALBAYALDE
SA PNP INTERNAL CLEANSING
SA KAPIHAN SA MANILA BAY
Ngayong umaga ay makakasalo natin sa almusal sina Ka Satur Ocampo na magsasalita tungkol sa mga isyu kaugnay ng peace talks at NCRPO chief, Gen. Oscar Albayalde na tatalakay sa ginagawang internal cleansing ng Philippine National Police (PNP).