Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Digong galit na sa CPP-NPA-NDF

MASAMA palang magalit si Presidente Rodrigo “Digong” Duterte.

Biglang uminit ang kanyang ulo dahil habang may ceasefire ay niratrat umano ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang tatlong sundalo sa Malaybalay, Bukidnon.

Tinadtad umano ng 76 bala ang tatlong sundalo.

Wow, napakarami palang bala ng NPA para ubusin sa tatlong sundalo?!

Ito namang Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) parang mga spoiled brat na kapag hindi napagbigyan ang gusto nila ‘e biglang kumakalas sa ceasefire.

Hindi ba’t sila ang unang nag-alis ng unilateral ceasefire dahil hindi raw sumusunod sa usapan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at hindi tumutupad si Pangulong Digong na palalayain niya ang mga bilanggong politikal?

Pinagtatawanan tuloy sila ng kanilang sariling trade union cadres na parang hindi sanay sa negosasyon. Parang hindi nakapagsulong ng local mass struggle (LMS) sa hanay ng mga manggagawa lalo sa usapin ng collective bargaining agreement (CBA) dahil napakakitid ng prinsipyo sa pakikipagnegosasyon.

Sino nga namang kanegosasyon ang papayag na hamigin agad ng CPP-NPA-NDF ang kanilang mga kahilingan at kondisyones?

091416-duterte-cpp-npa-ndf

Klaro ang sabi ni Pangulong Digong, kahit siya ang pinakamataas na opisyal ng bansa, mayroon mga sangay o ahensiya ng pamahalaan na dapat niyang konsultahin kaugnay nito.

Sa isang banda, kapwa naman hindi kumakalas sa usapang pangkapayapaan ang dalawang panig lalo’t mayroon na silang mga nakamit na socio-economic agreements.

Isang positibong bagay ‘yan.

‘Yang bakbakan, normal lang ‘yan, kasi nga tinanggal na ang ceasefire at kung hindi tayo nagkakamali epektibo pa ‘yan hanggang 10 Pebrero (Biyernes).

‘Yun nga lang, e parang umayaw na rin ang Pangulo at nag-utos na arestohin na ang mga opisyal ng CPP-NPA-NDF na pansamantalang pinalaya para makalahok sa peace talks.

Isinusulat natin ang kolum na ito, pumasok ang balita na hinihiling ni NDF senior consultant Luis Jalandoni na imbestigahan ang naganap na umano’y ambush ng NPA sa tatlong sundalo sa Bukidnon.

Naniniwala ang NDF na ‘rubout’ ang nasabing insidente dahil hindi ugali ng NPA na mag-aksaya ng bala.

Hindi naman sa kinakampihan natin ang NPA pero sa abot ng ating pagkakaalam hindi bulanggugo sa paggamit ng bala ang mga NPA at maging ang mga miyembro ng Alex Boncayao Brigade (ABB) noong araw.

Napakatipid nilang gumamit ng bala. Ang tatlong bala ng kalibre .45 ay marami na. Kaya nakapagtataka nga naman na ubusin ng NPA ang 76 bala sa tatlong sundalo.

Inuulit po natin, wala tayong kinakampihan pero mas maigi na po ang mag-imbestiga para mabistahan nang husto ng Pangulo ang situwasyon sa kanayunan.

Ganoon din naman ang CPP-NPA-NDF, huwag naman ninyong i-hostage sa mga gusto ninyo ang Pangulo.

Mahirap maging padalos-dalos sa usaping ito lalo’t kapayapaan ng buong bansa ang pinag-uusapan dito.

GULONG NG SIDECAR
IPINABUTAS NG HEPE
NG PASAY POLICE?

071216 crime pasay

Isang residente ang tumawag ng pansin ng inyong lingkod.

Ibang klase raw kasi ang gimik ng hepe ng pulis sa Pasay City na si Senior Supt. Lawrence Coop.

Aba, mantakin ninyong iniutos umano na butasin ang gulong ng mga sidecar?!

Malicious mischief ‘yan, economic sabotage pa!

Mantakin ninyong ipinanghahanapbuhay ng maliliit na tao ‘yung pedicab/sidecar tapos ipabubutas ang gulong?!

Ayaw ni Digong nang ganyan!

‘Yan daw ang sistema ng kanilang operation linis. Prehuwisyong tunay sa maliliit nating mga kababayan.

Alam din kaya ni PNP chief, DG Ronald “Bato” dela Rosa na siya ang itinuturong nag-utos ng mga Pasay police?

Utos daw ni PNP chief na butasin ang gulong ng mga sidecar na sinusunod lang ni Kernel Coop?!

Pasay City police chief, Senior Supt. Lawrence Coop, please check your men!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *