Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Lito Banayo na nasa MECO iimbestigahan

HINDI pa man lubusang nag-iinit ang puwet ni kasalukuyang Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman, Angelito “Lito” Banayo sa kanyang bagong posisyon, ‘e nagbabanta na ang reklamo laban sa kanya sa Ombudsman at sa Senado.

Si Lito “The Lucky Man” Banayo, ang appointee ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa sa MECO.

Ang MECO po ang unofficial embassy sa Taiwan. Unofficial dahil ang China ay mayroong One-China Policy sa diplomatic world.

Pero ang reklamo ng mga taga-MECO laban kay Banayo ay nagsimula umano sa tila ‘pagsasarili’ ng bagong hepe kaya maging ang Department of Foreign Affaits (DFA) ay tila hindi niya kinikilala.

Ang katuwiran umano ni Banayo, siya ay direktang nagre-report sa Pangulo.

Aba, mukhang may kailangan talagang i-troubleshoot dito.

At dahil nga sa ganitong pakiramdam at kapangyarihan nagawa umanong maging makapangyarihan ni Banayo maging sa pagtatalaga ng mga tao sa ahensiya.

070616 lito banayo meco

Maging ang mga dating nagtatrabaho at konektado sa MECO ay nagawa niyang tanggalin nang walang “go signal” o pagsang-ayon ang DFA.

Kasi nga, direkta umano siya sa Office of the President.

Siyanga pala, bitbit nga pala ni Banayo ang kanyang chief of staff na si Atty. Gilberto Lauwangco na ngayon ay miyembro na rin ng Board of Directors MECO.

Siyanga pala, si Banayo ay dating post master general at dati rin administrator ng National Food Authority (NFA).

Pareho nilang hindi natapos ang termino niya sa dalawang tanggapan dahil sa pagkakasangkot sa anomalya.

Kaya marami ang nagtataka kung bakit nakapangunyapit siya sa administrasyon ni Pangulong Duterte, na alam naman nating lahat na galit na galit sa mga corrupt.

Bukod pa rito, sina Banayo at Lauwangco ay parehong sinampahan ng kaso dahil sa rice smugging. Ano kaya ang nangyari sa kaso nila?

By the way, alam ba ninyong si Banayo ay sumasahod ng US$20,000 kada buwan at ang mga Director ay P300,000, hindi pa kasama ang allowances, per diem, at pasahe patungo sa Taiwan at pabalik sa Filipinas?

Aba mukhang isa na namang interesanteng ahensiya ang tatalakayin at iimbestigahan sa Senado.

Puwes aabangan namin ‘yan!

MORE TOILETS FOR WOMEN
SA NAIA TERMINAL 2
TULOY NA TULOY NA

070316 miaa naia

Wala nang pasubali.

Kahit ilang buwan pa lang sa kanyang tungkulin si Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, agad siyang nagbigay ng go signal para dagdagan ang cubicles ng comfort rooms sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2.

Alam naman ninyo si GM Ed Monreal kapag kailangan solusyonan, agad niyang tinatrabaho at hindi na nagpapatawing-tawing pa.

Mahirap nga naman ang kalagayan ng mga babae lalo na ‘yung mga senior citizen na pipila nang mahaba bago makagamit ng CR.

Hindi natin maintindihan kung bakit, anim na taon ang lumipas sa nakaraang administrasyon pero hindi man lang ito ginawan ng solusyon.

Walang kaginhawaang naramdaman ang airport users sa ilalim ng nakaraang administrasyon. Sa panahon din nila nabansagang worst airport ang NAIA

Naningil ng terminal fee sa overseas Filipino workers (OFWs) pero hindi man lang naisip magdagdag ng comfort rooms.

Mukhang sariling bulsa lang ang inasikaso ng nakaraaang administrasyon.

Ibang-iba ngayon sa administrasyong ito…

Sa loob po ng dalawa hanggang tatlong buwan, asahan ninyo ang mga karagdagang cubicles ng comfort rooms sa NAIA terminal 2.

Unti-unti na po ninyong mararamdaman ang ginhawa…

‘Yan ang aksiyong Monreal!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *