Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

You’ll always be our Miss Universe

NATAPOS na ang reign kahapon ni Miss Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015 at ipinasa sa nagwaging si Miss France na si Iriz Mittenaere bilang Miss Universe 2016 ang kanyang korona.

Siyempre, bilang host country at bilang Filipino, umasa tayo na sana, ang kandidata nating si Miss Maxine Medina ang napasahan ng korona, pero nakita naman natin ang pagsisikap ng bawat kandidata na maiuwi ang korona sa kanilang bansa…

Kaya kung hindi man natin napanatili ang korona sa taong ito, magpasalamat pa rin tayo kay Miss Maxine Medina na lahat ng hirap at sakripisyo ay ginawa niya para mangibabaw, hindi naman siya nabigo dahil umabot siya sa Top 6, pero ‘yung nga lang, mayroong mas magaling sa kanya.

012917 maxine medina

Kaya ‘yung mga basher ni Miss Medina, please stop. Wala kayo sa sapatos niya.

Isama na rin nating pasalamatan ang LCS Group of Companies, ang Department of Tourism (DOT) na nagsikap para huwag mapahiya ang buong bansa sa pagho-host ng Miss Universe 2016, at ang Philipine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nangalaga sa seguridad.

Alam nating hindi ganoon kadali ang ginawa nilang paghahanda.

Mula sa paghahanap ng sponsors hanggang sa pagsasaayos ng mga lugar na pinuntahan ng mga kandidata at mga lugar na kanilang tinuluyan.

Maging inspirasyon sana ang event na ito sa ating mga kabataan at sa buong bansa.

Kay Miss Maxine Medina, don’t worry, you’ll always be our Miss Universe.

PNP ANTI-ILLEGAL
DRUG UNITS BINUWAG
NI D/GEN. RONALD
BATO DELA ROSA

090616 bato dela rosa PNP

Tuluyan nang binuwag ni Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang PNP-Anti-Illegal Drugs Group (AIDG).

Ginawa ito ni  DG Bato dahil sa sunod-sunod na eskandalo at kontrobersiyang kinasangkutan ng mga miyembro ng pulisya sa paglulunsad ng Oplan Tokhang at Oplan Tokbang na napunta sa ‘Tokhang for Ransom.’

Pagkatapos buwagin, inilinaw ni DG Bato na ipinauubaya niya sa PDEA ang anti-illegal drugs operations.

Kasunod nito, ilulunsad na niya ang puspusang pagwawalis sa scalawags sa hanay ng PNP.

Imbes war on drugs, war on scalawag policemen ang tututukan ng pambansang pulisya.

Ibig sabihin nakatuon siya ngayon sa “internal cleansing” makaraan ang serye ng krimen na kinasangkutan ng mga pulis, partikular ang pagkamatay ng Koreanong si Jee Ick Joo.

Itatayo ng PNP ang Counter-Intelligence Task Force, magsisiyasat sa lahat ng pulis, lalo na iyong mga dati nang nakasuhan ngunit nakabalik sa serbisyo makaraan umapela.

Bukod sa internal cleansing, magtutuon ang PNP sa pagsugpo sa kanilang “seven focus crimes.”

Nanghihinayang man si DG Bato dahil sa magandang nasimulan ng PNP sa giyera laban sa droga, pero wala umano silang magagawa ngayon kundi sumunod.

Tuloy-tuloy aniya ang war on drugs, ngunit sa ngayon, ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang magiging lead agency.

Sa pagkakataong ito, sana’y maging maingat na si PNP chief…

DG Bato, naniniwala kaming, nanatili ang suporta sa iyo ng sambayanan.

PUGANTENG BELGIAN
NASAKOTE SA NAIA

071116 NAIA arrest

Sa kabila ng nangyayaring “krisis” sa Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkawindang ng kanilang nawalang overtime pay, isang magandang accomplishment pa rin ang ipinakita ng BI-Ports Operations Division, BI-Interpol at Border Monitoring and Security Unit matapos nilang masakote ang Belgian fugitive na si Daveloose Franky Freddie sa NAIA Terminal 2 departure area.

Si Daveloose Franky Freddie na sentensiyado sa kasong pagpatay sa Belgium ay nasakote matapos mag-alert ang INTERPOL notice sa database ng immigration departure area.

Ayon kay BI-POD Chief Marc Red Mariñas, dahil sa mga isinagawang “upgrades” sa computer system ng BI ngayon, madali nang ma-access ang information tungkol sa mga “high risk” na personalidad partikular ang mga “fugitives” na patuloy na minamatyagan ng INTERPOL ng iba’t ibang mga bansa.

Nagpakita agad ng pasasalamat ang bansang Belgium partikular ang kanilang sariling INTERPOL sa accomplishment na ito ng Immigration NAIA.

Kudos!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *