Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ipagmalaki natin ang lider ng ating bansa

MARAMING naging lider na magaling sa ating bansa pero kakaiba si Pangulong Rody Duterte na malaki ang isinasakripisyo kahit ang kanyang kalusugan maging maayos lang ang ating bansa.

Kaya naman marami pa rin ang bilib sa kanyang kakayahan kahit may mga kritiko siyang ‘di pa rin matanggap ang pagkatalo ng kanilang kandidato sa nakaraang eleksiyon.

Nakita natin na napakasipag ni Pangulong Digong kasama ang buong gabinete niya na magagaling at masisipag din.

Marami na siyang nagawa agad para sa bayan at sana’y suporatahan pa natin lahat ng kanyang programa.

Unti-unting nababawasan na ang ilegal na droga at hindi siya titigil hangga’t hindi nawawakasan ang shabu sa bansa.

Siya lang ang matapang at kamay na bakal ang ipinapairal sa bansa para mabawasan ang korupsiyon.

***

Maraming nag-text sa akin na hinangaan si NBI Director Gieran dahil sa accomplishments ng NBI.

Nakita sa Senate hearing sa kidnapping ng isang Koreano nakaraang linggo ang magagaling at top caliber na NBI deputy directors na spontaneous na sumagot sa mga tanong ng mga senador.

Masakit kasi nito ‘yung inaasahan na sasandigan ng bayan na pulis ay sila pa ang pasimuno sa mga krimen.

Nakatatakot nga naman ‘di ba?

Ang NBI kasi, they follow the rules nakita n’yo naman ang mga abogado nila FBI trained.

Unang-una ‘di naman sila kumuha kay SPO3 Sta. Isabel na kusang sumuko sa NBI. Dapat rin i-polygraph test si Sta. Isabel at Dumlao para malaman kung sino ang nagsasabi nang totoo.

Ipinapahiya nila ang Pangulo.

Dapat talaga managot ang dapat managot!

***

Isa rin sa sumusuporta sa kampanya kontra droga at korupsiyon ay si Sen. Miguel Zubiri na napakabait, napakatalino, napakasipag at matulungin sa lahat ng nangangailangan.

Marami na siyang nagawang batas para sa kabuhayan ng maraming tao sa bansa.

Patuloy siyang nag-iisip kung ano pa ang mga dapat gawin at dapat ipasang batas para sa mahihirap nating kababayan na walang trabaho.

Malinis ang pagkatao ni Sen. Zubiri at mapagmahal sa ating mga kababayan. Bukas palad siyang tumutulong sa lahat.

Kapag may sakuna at kalamidad ay nandoon siya na tumutulong.

Naniniwala tayo na malayo pa ang kanyang mararating bilang isa sa magaling at mahusay na mambabatas sa bansa.

Keep up the good work Senator Zubiri!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …