ANG Bureau of Customs ay nakatutok ngayon sa imbestigasyon ng mga import consignees na ginagamit para sa pagproseso ng kanilang kargamento.
Mahigit 71 consignees, under investigation para malaman kung ito bang consignees’ address ay active pa o hindi.
If found to be fictitious, the consignees names will be block from the BOC system. Tiyak marami ang mabubuko at baka magkaroon ulit ng congestion kung ang customs authority is serious in blocking their importation.
Karamihan sa mga importer ay walang sariling consignee kaya sila ay nanghihiram for a fee.
May ilan na binebenta sa mga sikat na players para magamit ng kliyente nila. Consignee for sale ang kanilang ginagamit sa illegal trade but never their own consignees.
Ang tanong ngayon, ano ang plano ni Commissioner Nick Faeldon sa nabukong consignees?
PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal