Friday , November 15 2024

Treason

WALANG kahulilip na kawalanghiyaan ang ginawa ng mga pumatay sa Koreanong businessman na si Jee Ick Joo. Isipin na lamang na pinatay nila ang Koreano sa loob mismo ng Camp Crame, ang headquarters ng Philippine National Police, ang institusyon na dapat ay taga pagtanggol ng bayan.

Bukod dito, ayon sa sinulat ng kaibigan natin na si Robert Roque sa kanyang kolum na “Firing Line” ay pinaplano palang palabasin ng mga nasa likod ng pagpatay sa Koreanong businessman na mga pulis mula sa Angeles City ang nasa likod ng krimen. Sa katunayan daw, ayon kay Robert, ay may plano nang iligpit ang ilang mga pulis doon.

Grabe, parang senaryo sa pelikula ito. Ganoon katindi ang kawalanghiyaan ng mga mamamatay taong ito. Wala man lang silang bahid ng takot sa Dyos.

* * *

Paano ngayon natin masasabi na ang mga pulis ay lingkod bayan. Sa dinami-rami ng mga pulis na nasangkot sa iba’t ibang krimen, hindi na uubra yung katwiran na hindi lahat ng pulis ay walanghiya. Kung totoo yun, sana itong mga “mabubuting pulis” na ito ay nakagawa na ng mga hakbang laban sa mga walang hiya nilang kasamahan.

Pero hanggang sa ngayon ay wala tayong naririnig na balita kung saan napigil ng mga “mabubuting pulis” ang mga maitim na balak o gawain ng mga walanghiyang pulis. Pinulis ba ng mga “mabubuting pulis” ang kanilang mga hanay? Mukhang ilusyon na lamang ng ilan na may mabubuti pang pulis. Ano palagay ninyo?

* * *

Hindi lamang basta krimen ang ginawa laban sa Koreanong businessman. Ito ay isang kataksilan o treason sa bayan sapagkat ang pangyayaring ito ay may epekto sa pakikipag-ugnayan natin sa bansang Korea at iba pang karatig bansa sa Asya. Kaya bukod sa paglabag sa ilang probisyon ng Revised Penal Code ay dapat din na kasuhan ng treason at economic sabotage ang mga sangkot sa pagpatay kay Jee.

Bumabaho ang pangalan natin sa mundo dahil sa mga mikorobiyong sumira sa PNP. Hindi tuloy ako nagtataka kung bakit sa mga Korean telenovela ay palaging nababanggit ang Pilipinas bilang pugad ng mga kriminal.

* * *

Natalo si Hillary Clinton sa electiom sa U.S. laban kay Donald Trump dahil sa pagsunod nito sa yapak ni Barack Obama. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay.

Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com

Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maari kayong pumunhta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *