NAGHAIN na umano ng resignation letter si dating Batangas vice governor Mark Leviste sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
‘Yan ay ayon mismo kay MMDA chair Tim Orbos.
Kasunod ‘yan nang ulanin ng batikos at puna ang pagpo-post niya sa social media ng kanyang activity sa EDSA bilang volunteer umano ng MMDA.
Bigla tuloy naalala ng netizens na wala pang isang taon nang matalo siya sa eleksiyon noong Mayo 2016 bilang gobernador ng Batangas.
May nagsabi pa, ang dating vice gov na si Mark at si MMDA chair Tim ay parehong taga-Liberal Party.

E ano palang ginagawa nila sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte?
Kaya hayun, hindi na nagpabalat-kalabaw pa ang dating vice governor, agad siyang naghain ng resignation.
Mabuti naman!
Hindi tuloy natin alam kung talagang kaibigan ang turing ni MMDA Chair Orbos kay ex-vice gov Mark Leviste o sinadya niyang masunog talaga?!
Ikaw Chairman ha?!
Halos ilang buwan na lang naman, ex-vice gov Mark, sandali na lang ‘yan. Hintayin mo na lang matapos ang isang taon bago mo ambisyonin ang panunungkit ng puwesto.
Alalahanin mo ang kasabihan, ang naglalakad nang matulin, kung matinik ay malalim…
Better luck next time!
PARAÑAQUE AT PASAY CITIES
PUWEDE NAMAN SIGURONG
MAGDEKLARANG HOLIDAY NGAYON

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com