Friday , December 27 2024
epa05264471 Filipino Maxine Medina (L) is crowned Miss Philippines 2016 by Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach (R) during the Miss Philippines 2016 coronation night in Quezon city, northeast of Manila, Philippines, 17 April 2016. Forty women competed for winning spots in the pageant to represent the country in this year's Miss Universe, Miss International, Miss Intercontinental, Miss Globe, Miss Supranational, and Miss Grand International. EPA/MARK R. CRISTINO

Miss Universe 2016 coronation bukas na sa MOA Arena

DAHIL ang ating bansang Filipinas ang host sa Miss Universe 2016, at magpapasa ng korona ang nagwaging si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na isa ring Filipina, marami ang nanalangin at umaasa na sana’y ‘manatili’ ang korona bilang karangalan ng ating bansa.

Ibig sabihin, sana raw ay magwagi si Miss Philippines Maxine Medina.

Bagama’t noong mga unang linggo ay madalas na napupuna si Miss Maxine dahil sa kanyang paggamit ng wikang English, aba, parang biglang tumahimik ang publiko nang rumampa na ang mga kandidatang Miss Universe mula iba’t ibang bansa nitong nakaraang gabi, at lumutang ang kagandahan, alindog at kaseksihan ni Miss Maxine sa iba pang kandidata.

Hopefully, biyayaan nang mas mataas na confidence, alertness, smartness at wittiness sa question and answer portion si Miss Medina para magkaroon tayo ng malaking tsansa na masungkit ulit ang korona.

Ang huling balita, magha-hire na raw ng interpreter si Miss Maxine. Okey, pero siyempre, kailangan pa rin na maging articulate, smart at witty ang kanyang magiging sagot sa mga tanong.

Sa panig ng organizer na LCS (Luisito Chavit Singson) Group of Companies, na siyang gumastos nang malaki para maisakatuparan ang pagho-host na ito ng Filipinas, nauna nang nagdeklara ang businessman-politician na si Chavit Singson, hindi bale nang hindi siya kumita nang gaano o mabawi ang kanyang puhunan, ang importante mai-promote niya ang kanyang kompanya at ang ating bansa.

Bukas na po gaganapin, Lunes, 30 Enero, sa Mall of Asia Arena, Pasay City ang coronation. Mag-uumpisa umano ang programa mula 8:00-11:00 am dahil gabi ito mapapanood sa ibang bansa.

Kaya asahan na po ninyo ang grabeng traffic sa nasabing area. Tiniyak na rin ng PNP na kasado na ang seguridad sa nasabing event kaya pakiusap na rin sa ibang motorista at pedestrians na patungo sa nasabing area, sumunod sa itatakdang alituntunin para hindi makadagdag sa pagsisikip ng trapiko.

By the way, ito nga po pala ang ikalawang Miss Universe sa kasayayan, lampas sa kanyang buong taon gaya noong 2014 pageant na ginanap Enero 2015.

Sa lahat ng mga nagsikap para mai-host nang maayos sa Filipinas ang Miss Universe 2016, salamat sa inyo at mabuhay!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *