DAHIL ang ating bansang Filipinas ang host sa Miss Universe 2016, at magpapasa ng korona ang nagwaging si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na isa ring Filipina, marami ang nanalangin at umaasa na sana’y ‘manatili’ ang korona bilang karangalan ng ating bansa.
Ibig sabihin, sana raw ay magwagi si Miss Philippines Maxine Medina.
Bagama’t noong mga unang linggo ay madalas na napupuna si Miss Maxine dahil sa kanyang paggamit ng wikang English, aba, parang biglang tumahimik ang publiko nang rumampa na ang mga kandidatang Miss Universe mula iba’t ibang bansa nitong nakaraang gabi, at lumutang ang kagandahan, alindog at kaseksihan ni Miss Maxine sa iba pang kandidata.
Hopefully, biyayaan nang mas mataas na confidence, alertness, smartness at wittiness sa question and answer portion si Miss Medina para magkaroon tayo ng malaking tsansa na masungkit ulit ang korona.
Ang huling balita, magha-hire na raw ng interpreter si Miss Maxine. Okey, pero siyempre, kailangan pa rin na maging articulate, smart at witty ang kanyang magiging sagot sa mga tanong.

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com