Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batang aktor magiging ka-love triangle nina Joshua at Kira sa The Greatest Love (Finally Andrei Yllana binigyan ng break ng Kapamilya Network)

MATAGAL nang sinasabi ni Aiko Melendez na gagawa ng project sa ABS-CBN ang anak nila ni Jomari na si Andrei Yllana pero this year pala mangyayari ito at pasok na nga ang karakter ni Andrei sa pinag-uusapang teleserye sa Kapamilya Gold na “The Greatest Love,” bilang ka-love triangle sa umuusbong na pagtitinginan nina Zozimo (Joshua Garcia) at Waywaya o Y na si Kira Balinger. Ipinakita na ang teaser nito at maganda ang rehistro ng batang aktor at may anggulo na kahawig ang daddy na si Jom.

Siguradong pati ang mga tagahanga ng kanyang parents ay susuporta kay Andrei kaya’t may malaking future din ang actor sa hinaharap.

Bale sa TGL gagampanan niya ang karakter ni Mitch na ex-bestfriend ni Y. Nagkita-kita na ang tatlo at umiral na agad ang selos ni Zozimo sa kanya. Hayan at bukod sa inaabangan ninyong mga madramang tagpo sa nasabing serye ay may magpapakilig na rin sa lahat ng araw-araw na manonood ng The Greatest Love, pagkatapos ng Doble Kara.

This is his baptism of fire in showbiz gyud!

“ASAP” KAPAMILYAS
IPINAGDIRIWANG
ANG CHINESE NEW YEAR
NGAYONG LINGGO

Salubungin ang Year of the Fire Rooster kasama ang paborito mong Kapamilya stars ngayong Linggo (Jan 29) sa “ASAP.”

Magpapaambon ng suwerte sa kanilang pagbisita ang cast ng top-rating drama na “Doble Kara” na sina Maxene Magalona, EA Guzman, Sam Milby, at Julia Montes, at lead stars ng upcoming movie na “I’m Drunk, I Love You” na sina Paulo Avelino at Maja Salvador.

Bibigyang-pugay ang musika ni Basil Valdez sa “ASAPinoy” sa pangunguna ng tribute master na si Martin Nievera kasama ang mga espesyal na bisita na sina Jacqui Magno at Pat Castile ng Circus Band, Roselle Nava, Michael Pangilinan, Dessa, Dulce, at “ASAP’s” very own na sina Yeng Constantino, Erik Santos, at ZsaZsa Padilla. Dobleng musical treat ang handog ng “ASAP” Birit Queens habang tampok sa “ASAP” Soul Sessions ang pinakabagong breakout hit ni Bruno Mars.

Magpapatuloy ang concert experience kasama sina Janella Salvador, Inigo Pascual, Top Suzara, Toni Gonzaga, Richard Poon, at Jolina Magdangal sa “ASAP LSS.”

Last but not the least, isang ultimate kilig experience ang naghihintay sa super fans  nga-yong Pebrero dahil maaari nilang maka-date ang kanilang paboritong BoybandPH member.

Huwag palalampasin ang”ASAP” ngayong Linggo (Jan 29), 12nn, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang replay ng episode sa iwantv.com.ph o kaya saskyondemand.com.ph para sa mga Sky subscribers. I-tweet na ang iyong reaksyon o opinyon sa show sa Linggo gamit ang official hashtag na #ASAPLucky2017.

Wagi nang malalaking cash prize
APAT NA GAY BEAUTY QUEENS
SA “JACKPOT EN POY” STUDIO   
Audience tumanggap ng bonus

Sunod-sunod na rumampa sa Eat Bulaga ang apat na beking may kani-kaniyang title sa Gay Beauty Pageant bilang contestant sa isa sa kinaaaliwang segment ngayon sa longest-running noontime variety show at number one sa Mega Manila na “Jackpot En Poy.”

Pare-parehong wagi nang malalaking cash prize ang Queen of the East na si Bolong, nanalo ng total cash prize na P100K; Aya Ortiz (Metrogay Philippines 2016) na nagwagi ng P110K; at sina Lars Pacheco at Queen of Quiapo 2016 na nakapag-uwi ng P60K at P40K at dahil majority ay panalo sa pagja-jack

En-poy sa mga Dabarkads. Marami rin sa studio audience ang nanalo ng instant P10K.

Next week, mga driver ng iba’t ibang sasak-yan ang kasali sa Jackpot En Poy at welcome dito ang mga bading at tomboy na drivers. Sa mga sasali, mag-audition na agad sa Broadway Studio, Lunes hanggang Biyernes mula 3:00 hanggang 4:00 ng hapon.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …