Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Happy Chinese New Year to all!

NGAYONG araw ay opisyal na nagsisimula ang Year of the Rooster batay sa Chinese lunar candelar.

Sa pagpasok ng Year of the Rooster, hangad natin na masambot ng bawat isa sa atin ang kasipagan ng Tandang.

‘Yun bang, pagtilaok ng Tandang sa alas tres ng madaling araw, ay gumising na para maghanda sa haharaping araw.

Sabi nga, daig nang maagap ang masipag.

At ganyan ang nangyari sa ating bansa. Marami ngang masisipag na Pinoy pero laging kapos sa timing.

Kaya kadalasan, bumabagsak sa isa pang nakatatakot na katangian ng manok ang ekonomiya ng bansa, isang kahig, isang tuka.

Sabi ng ilang mahuhusay na tagapayo, narito ang mabubuting katangian na kailangan taglayin para makamit ang tagumpay sa taong 2017.

Pagtitimpi (Patience). Ibig sabihin hindi dapat padalos-dalos.

012817 Happy Chinese New Year 2017

Maging alerto (Be alert). Puwedeng nagtitimpi pero huwag kalimutang maging mapagmatyag sa mga nangyayari sa paligid.

Pagsisikap (Effort). Siyempre hindi dapat nawawala ‘yan. Kailangan talaga laging nagsisikap.

Balanse (Balance). Sabi nga, hindi kulang pero hindi naman labis. Dapat sapat lang. Sapagkat ang kalabisan ng isa ay posibleng kakulangan ng marami.

Sipag (Hardwork). Kahit na dinadaig ng agap, hindi pa rin dapat nawawala ang katangiang ito — ang pagiging masipag.

Tiyaga (Perseverance). Kung mapagtimpi na, matiyaga pa, sino pa ang puwedeng tumalo?

Alab ng Damdamin (Passion). Kung lahat iyan ay mayroon na, kailangang ipakita ang pasyon sa ginagawa upang lubusang maging matagumpay.

Hinahon (Serenity). Kahit nag-uumapaw ang alab ng damdamin huwag kalilimutan na kailangang nakabantay ang hinahon.

Sa inyong lahat, Gong Xi Fa Cai!

BAGONG MUNTINLUPA CITY
POLICE STATION HQ SA LAGUERTA,
TUNASAN PINURI NI NCRPO CHIEF
PDIR OSCAR DAVID ALBAYALDE

012817 Fresnedi Muntinlupa Albayalde

Ibang klase talaga si Mayor Jaime Fresnedi, mantakin ninyong ipagpatayo ng headquarters ang Muntinlupa City police.

Walang masabi si National Capital Region Police Office chief PDIR Oscar David Albayalde kundi pawang papuri sa Muntinlupa local government lalo kay Mayor Fresnedi.

Bakit hindi gayahin ng ibang local government ang ginawa ni Mayor Fresnedi?

Sa totoo lang, ang daming police stations sa Metro Manila ang nakaaawa sa kadugyutan.

Puwedeng bagong pintura sa labas pero mabantot sa loob. Napakarumi ng mga opisina. Ang babaho ng comfort rooms.

Sa Maynila, makikita ang general headquarters ng Manila Police District (MPD), laging bagong pintura, malinis ang paligid pero ang police stations, nangangalirang sa dungis.

Wala bang inisyatiba ang local government para suporatahan ang pulisya?

Para naman hindi laging nakaasa sa panghihingi kung kani-kaninong negosyante ang mga pulis para lang mapaganda ang estasyon nila.

Mayors, kung ‘yung “PUNONG EHEKUTIBO” ng bansa na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi nagsasawang suportahan ang PNP, bakit hindi ang local chief executives?!

Gayahin ninyo si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *