Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

When life is at stake we should act as one!

MARAMI ang nanghihinayang sa kaso ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jakatia Pawa, na binitay kamakalawa sa Kuwait.

Nanghihinayang dahil nagkulang sa paalala at pakikipag-ugnayan ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa pamilya ng OFW.

Kung hindi na nga naman mare-reverse pa ang desisyon ng gobyerno ng Kuwait sa pagbitay kay Jakatia, sana man lamang ay nakatulong ang mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan para maihanda ang pamilya Pawa.

O kaya ay nakapunta man lamang ang pamilya para makita sa huling sandali si Jakatia.

Pero ang nangyari, nabulaga ang buong sambayanang Filipino dahil mula  nang masentensiyahan noong 2007 si Jakatia, wala na tayong narinig na balita kung ano na ang status sa nasabing kaso.

Hanggang noong isang araw nga, pumutok na lang ang balita na binitay na ang kaawa-awang OFW.

Sabi nga ni OFW rights advocate Susan “Toots” Ople, “Kung alam na ng embassy kahapon, bakit wala man lang from the regional office ng DFA, kahapon din pinuntahan sana ‘yung pamilya, inihanda ‘yung kalooban.”

Si Jakatia ay akusado sa kasong pagpaslang sa 22-anyos na anak ng kanyang amo.

Ngunit sa proseso umano ng paglilitis ay walang nailabas na malakas na ebidensiya laban sa kanya.

Kaya nga sabi ni Madam Toots, “Hindi isang kriminal kung ‘di hardworking na OFW. Ganito dapat alalahanin si Jakatia Pawa na binitay sa Kuwait dahil sa kasong pagpatay umano sa anak ng kaniyang amo noong 2007.”

Sa pamamagitan ng Blas F. Ople Policy Center, nais ni Toots bilang hepe nito na, patuloy na kilalanin si Pawa sa kaniyang tapang, matibay na paniniwala at pagiging inosente.

Naniniwala ang inyong lingkod sa pagsusuri ni Madam Toots na inosente ang Pinay OFW dahil wala ni isa mang ebidensiyang mag-uugnay kay Pawa sa krimen. Isang halimbawa rito, hindi DNA ni Pawa ang natagpuan sa deadly weapon na ginamit sa krimen.

Sa kasalukuyan, wala na tayong magagawa kundi ang makiramay sa naiwang pamilya ng OFW.

Sa rekord, mayroon pang 80 OFWs ang nakahanay sa death row.

Ano na kaya ang nangyayari o status ng 80 OFWs nila sa kasalukuyan?

Hindi kaya nararapat na magkaroon ng daily bulletin ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at ang Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA) sa kalagayan ng mga OFW na nasa death row?!

Sana sa susunod ‘e huwag puro papogi ang mga ahensiyang ito kapag patay na ang isang kababayan natin. Aksiyon hindi nganga sa kanilang kalagayan.

At sana lang, magkaroon nang pagkakaisa ang lahat: “When life is at stake we should act as one.”

BATANGAS EX-VICE
GOV. MARK LEVISTE
VOLUNTEER SA MMDA!?

012717 MMDA mark leviste

Sa darating na buwan ng Mayo, huwag tayong magugulat kung biglang magsulputan at maipuwesto ang mga talunang politiko sa administrasyon ni pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Isa na rito si dating Batangas vice governor Mark Leviste, na malayo pa ang Mayo ay may higing nang magiging traffic czar sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa kasalukuyan daw ‘e volunteer lang muna siya. Wala raw suweldo?!

Aba, magandang diwa ng pakikipagbayanihan ‘yan. Umpisahan kaya ni ex-gov Mark Leviste sa EDSA o kaya sa bandang Makati ang pagiging traffic czar niya?!

Linisin din kaya muna niya ang Lawton illegal terminal ng mga kolorum van/bus na nagpapasikip sa trapiko ng mga sasakyan sa Maynila?

Dapat, praktis-praktis muna kung kayang magmando ng trapiko (traffic enforcer) sa EDSA at Makati ni ex-vice Gov. Leviste.

Ala ‘e, subukan nga natin ang galing ni Batang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *