BAGO pa sumikat sa television, movie and commercial si Maine Mendoza, una siyang nakilala sa panggaya ng mga video sa internet o ýung pagda-dubsmash.
Dahil sa galing mag-dubsmash kinuha siya ng Eat Bulaga at isinama sa Kalye Serye hanggang sa mabuo ang loveteam nila ni Alden Richards.
Kamakailan, muling gumawa ng dubsmash si Maine, iyong Ipapasa Ko ‘To Sa Facebook video ng magkapatid na Deniel ‘Bunak’ at Danica ‘Bilog’ Tiongson. Ito ‘yung kumakanta ‘yung babae habang inire-record nang biglang kulitin siya ng kapatid na lalaki hanggang sa suntukin siya sa likod kaya naman napaiyak siya.
Ginaya ito ni Maine, mula sa hitsura at kasuotan. Kaya ayun, talaga namang nag-click sa netizen. Muli, pinatunayan ni Maine kung gaano siya kagaling manggaya. (TIMMY BASIL)